-SCARLET BETHANY- Nag-umpisa na akong kumain. Umupo si Dad sa tabi ko at nag-umpisang sagutin ang tanong ko. "Nasa meeting ako kanina at nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pinto. Nakita na lang namin si Yvan na hinihingal at alalang-alala ang mukha. Yumuko siya sa amin at humingi ng tawad dahil natigil ang meeting namin. Pagkatapos ay humarap siyang muli sa akin. Sinabi niyang tumawag ka raw sa phone ko at may masama raw na nangyari sa'yo. Halos atakihin ako sa puso ng sabihin niya 'yon. Hindi ko na naisip na nasa meeting ako at agad akong tumakbo papunta sa elevator. Inalalay ako ni Yvan at pinakalma. Nang makarating kami sa bahay ay naabutan ko ang mga maid natin kaya lang ay wala silang alam sa nangyari sa'yo. Agad kaming umakyat sa kuwarto mo at naabutan ka naming nakah

