“James, bilisan mo naman. Bakla ka!” Pagmamadali saakin ni Jess. Sabay kasi kaming nagpunta sa cafeteria dahil maagang natapos ang lesson ng Prof namin sa Management 1. Nagpaalam kasi ako kay Jess na magpunta ng comfort room dahil medyo sumasakit na ang aking pantog. “Nagmamadali ka naman masyado, baks! Natatae ka na ba?” Sarkastiko kong balik rito. Napairap lang namaan ang kaibigan kong bakla pero lalaking-lalaki ang porma. Well, kung hindi mo talaga kilala si Jess. Mapagkakamalan mo talagang isa siyang tunay na lalaki. ‘Yung tipong marami nang babaeng napaiyak at napatirik ang mata sa kama. ‘Yung tipong maraming nagkakandarapang mga bakla sakaniya. “Walang butas ang p***t ko!” Napatawa naman ako sa naging sagot niya saakin. “Kung wala, saan lumalabas tae mo?” “Tainga! Sa taen

