Habang nag-iisip ako kung ano ang maaari kong madatnan pagdating ko sa Pilipinas. Naiisip ko na baka nagbago na ang dating Jonathan na kilala ko. Na baka nakalimutan niya na ako. Naiisip ko na baka malaki ang galit niya sa akin sa pag-iwan ko sa kaniya nung mga bata pa kami. Paano ko maipaliliwanag sa kaniya ang lahat ng nangyari? ‘Yung hindi ako mahihirapan na sabihin at idetalye sa kaniya ang lahat. ‘Yung hindi ako mauutal kapag nagpapaliwanag na ako. Will he still believe on me? Naputol lamang ang aking pag-iisip nang may narinig akong nagbukas ng pinto ng aking kuwarto. Napatingin naman ako kung sino ang pumasok roon at bumungad saakin ang aking ina. “Son, hindi ka na ba namin mapipigilan sa desisyon mong iyan?” My mom asked me if I couldn’t change my mind. As if na magbabago pa

