4: Connor

1212 Words
Masayang masaya si Caroline nang ipapanood ko sa kanya yung video ng concert ng paborito nyang banda. "Connor thank you ha. Alam ko namang di mo talaga gustong manood pero ginawa mo pa rin." sabi niya sa akin. Gusto ko sanang guluhin ang buhok niya pero alam kong makakasama 'yon sa lagay niya. Nginitian ko na lang siya, "Wala 'yon. Pasensya ka na ha, naubusan akong gas kanina kaya ngayon lang ako nakapunta." "Ok lang yun. Nabanggit din sa akin ni Emily na may meeting daw kayo sa kumpanya. Anong nangyari?" tanong pa niya. Si Emily talaga. "Wala naman. May sinabi lang ang head ng Marketing Department." pag-iwas ko sa tanong niya. Ayoko, hindi niya dapat malaman. Makakasama lang 'to sa kanya. "Anong sabi? Nakakabawi na ba ang kumpanya?" ayokong malaman niya pero nagpupumilit talaga siya. Si Caroline talaga. "Everything is doing good." matipid na sagot ko. Napangiti na lang siya. "Mabuti naman." Masaya akong nakikita siyang masaya. Masaya akong nakikita siyang nakangiti. Her smile is the sweetest. Yet what made her smile was a lie. Oo, nagsinungaling ako. Hindi totoong ayos ang kumpanya. Kanina lang, nag-announce ang head ng Marketing na patuloy raw ang pagdecline ng sales. Ayokong malaman ni Caroline na ang lahat ng pinaghirapan niya--nila ni Papa ay mawawala na lamang ng basta basta. Napailing na lamang ako. Ayoko, hindi pwede. Maaaring si Lolo ang nagmamay-ari ng kumpanya pero, alam kong si Papa ang nagpalago nito. "Sa 50th anniversary ng company bukas, iaannounce na ni Lolo kung sino ang susunod sa yapak niya." sabi ko sa kanya. "Advance Congrats Connor." Muli akong napailing. Alam kong hindi mapapapunta sa akin ang kumpanya. Sa nangyari dati ay napaka imposible. "Binabantayan ka ng Papa mo." sabi pa niya sa'kin. "Caroline." "Umuulan ba?" tanong pa niya. Napatingin naman ako sa bintana. "Oo." "Ang dami kong naaalala tuwing umuuluan." Isang matipid na ngiti ang ibinigay niya sa akin. Bigla akong nakaramdam ng awa. Ganitong ganito ang panahon noon. Tumayo ako. "Magpahinga ka na." Inabot niya ang kamay ko saka muling nagsalita, "Mag-iingat ka." Inintay ko siyang makatulog bago tuluyang lumabas ng ospital. "Umuulan na naman. Umiiyak na naman ang langit." *** "NANDYAN na si Sir Patrick!" "Shet, ang gwapo ni Sir Travis." Iba't ibang bulungan ang narinig namin nang makapasok kami sa elevator ng building. Agang aga puro chismisan. Kaya hindi umuusad yung kumpanya e. Nang iannounce ni Lolo kagabi kung sinong papalit sa pwesto niya ay alam ko na. "Good Morning President." bati ng elevator girl sa kanya. Napilitan siyang tumango. "Shet naman kasi bro, bakit ako pa? Dapat ikaw na lang e." bulong niya sa'kin. Mula sa pagiging head ng Communications Department, si Travis na ang bagong Presidente ng aming kumpanya. "Pumayag ka na kasi sa alok ko bro, be my right hand." alok niya. "Hindi na bro, masaya pa ako sa pagiging head ng Creative Department. Remember, creative at executives ang puso ng kumpanya. Kailangan nating maghiwalay para maiangat ang company." 'Yon pa rin ang posisyon ko hanggang ngayon. Kagabi niya pa ako inaalok ng executive position pero hindi talaga. "Kunsabagay. Pero bro, tulungan mo 'ko sa pagiging executive." "Oo naman." Siniko niya ako, "Lakas ko talaga sa'yo bro." "8th floor po." sabi noong elevator girl. "Sige, mamaya na lang." "Geh." "Good Morning Sir Patrick." bati sa akin ng mga nasa 8th floor. Nginitian ko na lang sila. Didiretso na sana ako sa aking opisina nang may marinig akong kaguluhan. "Wala na si Sir Dawson, napalitan na siya. Lalo ng babagsak ang kumpanya kaya kung ako sa inyo, aalis na ako dito! Wala na tayong magandang future dito!" sigaw ni Elizabeth, nasa early 50's na siya at isa siya sa mga pioneer. Siya rin ang Team Leader ng Creative Team. Rinig ko ang lahat ng sinabi niya pero pinalabas ko na lang sa tenga ko, ayokong makipag-away sa kanya. "Babagsak na ang kumpanyang 'to!" sabi pa niya. Napangiti na lang ako. Sige, ipagsigawan mo pa. Mahusay naman siyang empleyado, yun nga lang, may kakaibang attitude siyang taglay. Sa totoo lang, kung hindi lang dahil kay Lolo ay matagal ko na siyang natanggal. Isa siya sa napakaraming empleyado dito na may alienatic attitude. "Excuse me, Elizabeth, what's this commotion all about?" napatingin sila sa akin nang magsalita ako. Tiningnan ako ni Elizabeth, mata sa mata. "Sir Patrick, I'm sorry but I'm quitting." sabi niya sa akin nang taas noo. Dala na naman niya ang box na 'yon. Nginitian ko siya kagaya ng ibinigay kong ngiti sa empleyadong bumati sa akin kanina. "Go." nagulat siya sa sagot ko. Ginagawa na niyang asal ang pagquiquit. Kung dati-rati ay pinipigilan ko siya, hindi na ngayon. Kung gusto niyang umalis, then I'll let her do what she wants. Wala na si Lolo so I can do what I want. Maglalakad na sana ako papunta sa opisina ko nang muli siyang magsalita, "You'll make me leave?!" Nilingon ko siya, "You said you're quitting, then go." She smirked and said, "See? Ito ba ang company na may future?! Hinahayaang umalis ang magagaling na empleyado?!" "Pardon? Sinong magaling?" I asked. Mas lalo pa siyang nagalit. "Connor Patrick McDonnald! You're such a shame! Pareho nga kayo ng ama mo!" sigaw niya. I tried to compose myself, "Mrs. Elizabeth Boromeo." "What?!" "You're fired." natigilan siya sa sinabi ko. Ok lang namang tirahin niya ako pero ang personal na buhay ko? She can't. I can't let her mess with my family, not even to my father. "Anyone else who wants to quit or get fired?" tanong ko sa mga empleyadong nakikiisyoso. Wala namang naglakas loob sumagot. "50 years na ang kumpanyang 'to. The company is at stake and if you believe na wala na talagang pag-asa pang umangat tayo because of the absence of my grandfather, leave, but if you believe that this company will soon recover with it's new management, then stay. Again, you have doubts? Leave. Trust? Stay. It's a matter of leaving or staying. File your resignations as early as possible. I don't want fake people here." Dumiretso na ako sa office ko matapos ang litaniya ko sa kanila. Kung ayaw nila sa bagong management, I'll let them go. Wala na si Lolo. Mula ngayon, magbabago na ang takbo ng kumpanya. Napabuntong hininga na lamang ako. Nakita ko ang pagpasok ni Emily sa office ko, "Good Morning Sir Connor, coffee po or tea?" tanong niya sa akin. She's Emily Ondevilla, secretary ko. She's been working for me for almost 5 years. Actually, magkaedad lang kami. "Tea." tumango siya at akmang lalakad palabas nang muli ko siyang tawagin, "Emily.." Tumigil siya at lumingon pa sa akin, "Po?" "You saw it?" "O-opo." "Am I harsh?" "Hindi naman po." tumango na lang ako. Lalabas na sana siya nang muli ko siyabg tawagin, "And Emily..." "P-po?" "Tell the HR to recruit a new Team Leader for the Creative Team. I want the new TL as soon as possible. And please hire only the best person." "O-ok po Sir." Lumabas na si Emily. Alam kong malalaman agad ni Lolo ang pagsibak ko kay Elizabeth. Ayokong marami siyang masabi tungkol sa akin. Ayokong sumbatan na naman niya ako. I know to myself, I can also hire the best people. Napatingin ako sa family picture na nakapatong sa aking lamesa. 'Kung nandito ka lang sana Papa.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD