7: Gemini

1419 Words
"I can't believe you're leaving. After 3 years in this company." hinayang na hinayang siya. Napangiti na lang ako. Patapos na rin ako sa pagiimpake ko. Goodbye na talaga ito! "Mamimiss mo lang ako e." biro ko sa kanya. "Bakit mo alam? Mind reader ka 'no?" seryoso niyang tanong sa akin. "Di na mabiro 'to oh!" ipinagpatuloy ko na lang 'yung ginagawa ko hanggang sa mapack up ko ng lahat. "Done! Good bye freaks!" masaya kong sabi, nakatayo pa rin si Nick sa tabi ng table ko. Ang lungkot talaga ng mukha niya. "Gem.." parang ewan 'tong si Nick, nangingilid na 'yung luha niya. "OA mo, parang mamatay lang ako ah. Oy, Nick Santillana, ipinapaalala ko lang sa'yo, naterminate lang ako, wala akong malalang sakit na ikakamatay ko para paglamayan mo." "Gem naman e!" nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Niyakap niya ako. "Chansing ka e!" nakayapos pa rin siya sa akin. "Mag-iingat ka dun ha. Magtetext ka palagi." paiyak na siya niyan, ang gay oh. Minsan nga tatanungin ko si Russel kung wala siyang nararamdamang lukso ng dugo dito kay Nick. "Lakas talaga e. Di naman ako mag-aabroad! Shuuu!" nilayo ko siya, init e! "Alam mo Nick, may future ka sa pag-aartista, in line naman sa course natin, hangga't maaga pa, lumipat ka na ng industry!" "Gem naman e!" Binuhat ko na yung kahon ng remainings ko. This is it, good bye na talaga! "Tabi." hahara hara siya sa daan. Ayaw akong paalisin ng mokong e. Tamo 'to mamaya, mateterminate na rin 'to. "Ihahatid na kita." sabi pa niya. "Kaya ko na. Tabi." sabi ko. "Hindi Gem e! Mamimiss kita." "Corny mo. Hambalusin kita nitong kahon e. Tabi nga." nagdirediretso ako ng lakad. Napatabi ko naman siya. Sisigaw sigaw pa rin do'n sa may likod ko. Ang OA talaga! Pumunta na ako sa unahan ng office. Alam ko namang walang makikinig sa'kin at di ko naman sila close lahat pero as tradition ng mga nateterminate, gagawin ko ang rituwal. "Good Day office mates. Ay, di pala, ex office mates na pala." gaya ng dati, wala silang pake. Ewan ko ba, di ko nga rin mahanap kung nasa'n yung pake nila. Iniwan na ata sila. "I, Gemini Tang, is hereby, certifying that the above information is true and correct to the best of my knowledge and belief." napatingin sila sa akin, nagpeace sign ako, "Hehe. Joke." Nagulat ako nang may biglang tumawa, "Nice joke Gem!" halos mautas na siya sa katatawa. Si Nick talaga. Yung iba ko namang ex officemate, bumalik na sa mga monkey business nila. Okay, wala talaga silang pake. "So ayun nga. Hindi ko na papahabain pa. Tatagalugin ko na para mas madali, alam ko namang copywriter tayong lahat dito, mamaya iproof read niyo pa 'yong sasabihin ko kapag may grammatical error, mapahiya pa ako." huminga akong malalim bago muling nagsalita. "Ako si Gemini Tang, tinerminate ni Sir Rouise dahil hindi ko natapos ang pinapaedit niyang manuscript kahapon kasi tinanghali ako ng pasok  dahil alam niyo na, nanood kasi ako ng concert ng The Constellations at tinanghali ng gising. Hindi lang 'yon, bukod sa offense na nagawa ko kahapon, marami na rin akong ibang offense na nagawa at gusto kong ihingi ng tawad ang lahat ng nagawa ko." Wala pa rin silang pake. Okay? Nagpatuloy na lang ako. "Una, noong nakita kong umiiyak si Kara sa CR.." tiningnan ako ni Kara. Mukhang nakuha ko ang atensyon niya. "Hapon noon, nakita ko si Kara na umiiyak sa CR, sabi niya sa'kin nagbreak sila ng boyfriend niya. Gusto ko siyang icomfort no'n kasi feeling ko down na down siya kaya ang ginawa ko, binigyan ko siyang tissue." napangiti naman si Kara nang mabanggit ko 'yon. "Di naman kasi kami close no'n e kaya 'yun na lang yung paraang nakita ko para macomfort ko siya." mas lalo pa siyang napangiti sa sinabi ko. "Sobrang gaan ng pakiramdam ko no'n kasi diba, atleast man lang yung isang maliit na piraso ng papel na nanggaling sa'kin, makakatulong na mabawasan yung luha niya. Ang sarap na sana sa pakiramdam yung makita mong mabawasan yung lungkot ng katrabaho mo pero..." napayuko ako, "Kara I'm sorry.." napakunot ang noo niya sa sinabi ko. "B-bakit?" "I'm sorry kasi, yung tissue na binigay ko sa'yo, may singa na 'yun." nagulat siya sa sinabi ko. "Ew!" sigawan nung iba, aba, may pake na sila? "A-ano?!" tanong pa ni Kara. "I'm sorry Kara. Hindi ko sinasadya, masyado lang kasi akong nadala sa mga pangyayari, nakalimutan ko, nasingahan ko na nga pala 'yon. Natuyo na nga lang." Nakita ko naman yung galit na galit niyang face kaya nagpeace sign ako sa kanya. "Pangalawa, kay Niño." siya ang obese kong officemate, and at the same time, bully. "I'm sorry." "Bakit?!" kabang kabang tanong niya. "I'm sorry kasi, tanda mo noong nasa canteen tayo? Noong hinarang mo ako para kuhanin yung dala kong blueberry cheesecake?" Tumango siya, "Oo, bakit anong meron dun?" "Actually, nalaglag na 'yon ng mga panahong 'yon. Natapon ko na nga 'yon sa basurahan kaso, pinuna naman ako ni Manong guard, sa di-nabubulok ko kasi nailagay, dapat ay sa nabubulok. Ililipat ko na sana yon ng basurahan nang makasalubong kita. Pasensya ka na kung di ko agad nasabi. Natakot kasi ako sa'yo no'n e, sabi mo susuntukin mo 'ko, kaya binigay ko na lang, kesa bumalik ako ng office na may black eye." nagpeace sign ako sa kanya. Kitang kita ko namang galit na galit na siya. "Yuck!" sigawan pa nung mga kaofficemate namin. "And last but not the least, kay Russel." gulat na gulat siya nang banggitin ko ang pangalan niya. "A-ano?! May kalokohan ka ring ginawa sa'kin?!" tanong niya. Umiling ako, "Hindi, wala akong ginawang kalokohan sa'yo, may gusto lang akong sabihin." "Ano naman?" mataray niyang sabi. "Gusto ko lang magpasalamat kasi dahil sa'yo, hindi naging boring ang pag stay ko sa kumpanyang ito. Dahil sa'yo naging makulay ang working experience ko dito." mukha siyang natouch sa sinabi ko. Bakla talaga oh. "Wag kang ganyan! Baka mamiss kita!" sabi pa niya, feeler oh! Mamiss agad? "Basta, maraming maraming salamat Russel kasi, bago man lang ako umalis ng company, naipakita mo sa'kin ang isang side na never mo naipakita." sabi ko pa sa kanya. "Side?" tanungan naman nila. Nagpatuloy lang ako. "Side, yung pagiging fan gay mo." napangiti naman siya sa sinabi ko. "Maraming salamat kasi ipnakilala mo sa'kin ang HashThug. Hindi ko talaga sila kilala e. Maraming salamat kasi, nabanggit mo sila bago man lang ako umalis." mas lalo pang lumapad yung ngiti niya. Feeling ko tuloy kinikilig siya sa mga sinasabi ko. Ang gay talaga. "Ikaw naman, maliit na bagay!" kilig na kilig talaga siya. Sht, kinilig ang bakla sa'kin. Achievement na ituuu. "Hindi Russel, hindi maliit na bagay 'yon." iiling-iling kong sabi. "Ang ipakilala ang number 1 girl band sa buong Pilipinas. That's a big deal." sabi ko, "Thank you." Narinig ko naman ang malakas na tawanan ng mga officemate ko. "HashThug?! Girl band?! Hahaha!" And to Russel, natameme na lang siya sa sinabi ko. Siguro masyadong natouch sa message ko sa kanya. Tawanan pa rin sila. "Pa'no ba 'yan officemates, this is really good bye." naglakad na ako papunta sa harapan ng pinto ni Sir. "Sir! Aalis na po ako!" sabi ko pa. "Geh!" narinig kong sagot niya. Aba mukhang good mood ata siya. Muli kong nilingunan ang mga officemates ko. Nakita ko naman si Nick sa harapan ko. Umiiyak siya. Aba, nasa likod 'to ni Russel kanina ah! Lakas makateleport! "Gem, wala ka bang message sa'kin?" hihikbi hikbi siya nyan. Lumapit ako sa tenga niya at bumulong, "Wala. Tabi." Naglakad na ako palabas ng pinto, "Officemates, mamimiss ko kayo." Nagulat na lang ako nang sagutin nila ako, "Wag ka ng babalik Gemini!" sabay sabay pa talaga sila. Shocking talaga. Hindi ako nagulat sa sinagot nila, nagulat ako kasi at last, nahanap na nila yung pake nila. Nilingon ko na lang sila, "Congrats guys." Tuluyan na akong umalis. Nakayuko lang ako. Unti-unti ng bumigat ang pakiramdam ko. Sobrang bigat na talaga. Hindi ko na kaya. Kanina ko pang pinipigilan ang pagtulo ng luha ko. Ang sakit sakit na talaga. Napakagat labi na lamang ako habang titingin tingin sa buhat buhat kong kahon. Wala na akong trabaho, paano na ako ngayon? Feeling ko pasan ko ang buong mundo. Siguro nga, malas talaga ako. Hindi ko na napigilan, napasigaw na ako, "Huhu! Wala pa akong pambili ng ticket ng Zodiac! Paano na?!" Ang sakit, sobrang sakit. Hindi ko na kaya. Wala pa akong pambiling ticket!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD