Broken heart, swollen eyes. Mugtong mugto yung mata ko habang nakatingin sa screen ng laptop ko. Hanggang ngayon, iyak pa rin ako ng iyak. Hindi talaga ako makamove on sa nalaman ko.
Tumayo ako at pumunta sa may dingding kung saan nakapaskil ang napakarami nilang litrato. Masaya naman sila. Sa loob ng napakaraming taon, sobrang saya nila pero bakit ganito?! Bakit kailangang umalis ng isa sa kanila?!
"Huhu! Wala na si Zach sa The Constellations!" sigaw ko pa sabay haplos sa mukha niyang nakaprint sa poster. "Zach baby! Why?!" kumuha ako ng tissue at pinahid ang luhang tumutulo galing sa mata ko.
Nakita ko ang tinidor sa may dining at kinuha ko agad ito, hindi ko na kaya. Hindi ko na talaga kaya!
Tiningnan ko siya at itinutok sa kanya ang tinidor na hawak ko, "Kaya ba?! Kaya ba hindi ka na sumama sa concert niyo?!" tanong ko sa kanya, "Sumagot ka!"
Napaluhod ako sa sobrang lungkot, "Wala na siya! Huhuhu"
"Zach bakit?!" tanong ko pa habang nakalupasay sa sahig at ipinapalo ang tinidor sa sahig.
Daig ko pa ang nakipagbreak sa boyfriend!
Daig ko pa ang namatayan ng kamag-anak!
Daig ko pa ang isang katulong na inalipusta ng kanyang amo!
Daig ko pa ang ipinatapon sa Mars ng walang balikan!
Daig ko pa ang isang taong may napakalalang sakit na anumang oras ay maari nang mamatay!
Daig ko pa sila! Nang dahil kay Zach, nadaig ko sila! Okay, OA.
Halos dalawang linggo na pala siyang umalis sa The Constellations at kagabi ko lang nalaman. Sobrang nadepress talaga ako nang malaman ko 'yon. Hindi talaga ako nakatulog kagabi. Di rin ako nakakain ng ayos.
"Wala na nga akong pambili ng ticket sa concert ng Zodiac tapos malalaman ko pa ang bad news na 'to?! Katapusan na ba ng pagiging fan girl ko?! Ayoko na!"
Itinutok ko yung tinidor na hawak ko sa pulso ko. I can't take this anymore!
♫♪ I think I'm gonna lose my mind, something deep inside me I can't give up ~ I think I'm gonna lose my mind, I roll and I roll 'til I'm out of luck, yea I roll and I roll 'til I'm out of luck ♫♪
Hindi. I think I already lost my mind! Ano ba naman yung dalawang linggo na akong nakatambay sa apartment ko. Oo, dalawang linggo na rin akong walang trabaho. Sinong hindi masisiraan ng ulo no'n?!
♫♪ I'm feeling something deep inside, hotter than a jet stream burnin' up, I got a feeling deep inside, it's taking, it's taking all I've got, yea it's taking, it's taking all I've got ~ ♫♪
Zach naman kasi, why do you have to leave? Anong problema?! Inaaway ka ba ni Nero, Hanson, Luther at Louie?!
♫♪ Coz nobody knows you baby the way I do ~ And nobody loves you baby the way I do ♫♪
Napatingin ako sa cellphone ko. Hawak ko pa rin yung tinidor. Ang ingay naman nitong cellphone ko! Nag-eemote pa ako e.
Kanina pa 'tong tunog ng tunog. Sino ba kasing tumatawag?! Kitang nageemote pa yung tao, istorbo! Wala ba siyang puso?!
Kinuha ko ang phone ko. Pagtingin ko sa screen, isang unknown number ang tumatawag like who the hell?
"Hello." sinagot ko na lang kaysa naman maubusan ako ng battery sa kariring.
[Hello, is this Ms. Gemini Tang?] tanong sa akin nung nasa kabilang linya. Huwaaait, kilala niya ako?!
Syems! P-paano? B-baka stalker ko 'to?! Di kaya?! O baka someone na may atraso ako?
Halaaa!
"Ah-y-yes? Who's this?"
[This is Frea, from the HR department of McDonnald Group. May I ask, are you already employed?]
Nadurog ang puso ko sa tanong niya, "N--no, I'm not. Unemployed ako!" ang sakit, wala na nga si Zach sa The Constellations, wala na nga akong pambili ng ticket ng Zodiac and worst, wala pa rin akong trabaho! Idagdag mo pa 'tong si Frea na walang puso! Ipinaalala pa talaga niya sa'kin na jobless ako. How rude of her.
[Good to hear that.]
Natigilan ako sa sinabi niya.
Anong good to hear that?! Kutusan ko kaya siya?! Anong maganda dun sa wala akong trabaho?!
Hindi niya ba alam na walang trabaho si Gemini equals wala siyang pambili ng ticket?!
Napakawalang puso mo Frea! Paano ka naging HR?!
"Excuse me?!" magtataray na sana ako ng bongga nang muli siyang magsalita.
[Actually, we saw your profile online and thought that you're a good fit for our Creative Department - Team Leader post. If you're interested for the said position, please visit our office tomorrow at exactly 10 in the morning for the initial assessment. You're a priority Ms. Tang.]
Napanganga ako sa sinabi niya.
Di ko siya maabsorb. A-anong Team Leader? Anong Creative Department?! And wait, initial assessment?!
"Ha?!"
[I'll text you the address Ms. Tang and who to find tomorrow.]
T-teka, ano ulit sinasabi niya?! My heart is pounding. Di pa rin magprocess!
[Thanks and see you tomorrow Ms. Tang!] ibinaba na niya yung call.
Maya maya pa, nakareceive ako ng text galing sa same number na tumawag.
'Hi Ms. Tang, thank you for picking up my call. Kindly visit our office at Dawson McDonnald Bldg. East tower, 1430-C back of Zerafin High near Lalishka Corp. beside C.L. Bldg. Please bring your updated resume and one valid ID for verification. Look for Frea Umali. God bless and see you tomorrow at 10am. We'll be waiting for you.'
Napabitaw ako sa hawak kong tinidor, "TRABAHO SA MCDO?! SERYOSO?!"
Di ko maintindihan yung mararamdaman ko. Hindi ko alam kung mapapatalon ako o ano. HR mula sa isang sikat na fast food chain ang tumawag sa akin at kinukuha nila akong Team Leader?!
Syems. Ano ba yung Team Leader? Ang alam ko lang kasing trabaho sa McDo ay Janitor, Security Guard, Service Crew at ang Managerial Position. Di ko akalaing may Team Leader pala sila.
Teka, ano nga ba yun? Baka naman Team Leader ng mga service crew?! Yung mga tipong ililead ko ang mga subordinates ko. Aba, ayos yun ah! Parang manager na rin yun!
Ngayon pa lang naiisip ko na, magkano kayang kikitain ko pag nagkataon? Makaipon kaya ako ng pambili ng ticket sa concert ng Zodiac?
Syems, feeling ko hindi kaya ng isang sahudan ko ang makabili ng ticket. Siguro kailangan ko pang maghanap ng iba pang part time sakaling mahire ako?
Pero gayunpaman, abot langit pa rin ang ngiti ko.
Yes! Makakaipon na akong pambili ng ticket pag nahire ako bukas! Kailangan kong galingan.
Hindi ko mapigilang hindi mapatalon sa mga naiisip ko.
Tiningnan ko yung nakapaskil niyang mukha sa dingding ng apartment ko, "Zach baby! Ito na ba ang perks ng pag-alis mo sa The Constellations?! Ang magkaro'n ako ng trabaho?!" napahalik ako sa poster niya.
"Thank you ha! Thank you talaga!"
Totoo nga, kapag may umaalis, may dumadating!
Parang kanina lang nang sobrang depress ko. Kahit papano ay nabawasan na rin ng konti ang lungkot na nararamdaman ko.
"NERO, HANSON, LUTHER, LOUIE." sumaludo ako sa kanila. Kailangan kong galingan sa interview bukas, "Kudos! Para sa inyo, gagalingan ko."