♥ FOURTY SIX ♥ KIARA Iginiya ako ni Hank palapit sa pack. Hindi ko maipaliwanag ang sayang bumabalot sa puso ko habang pinagmamasdan ko ang mga mukha nila. All of them, you'll know at first glance that they've been into so many fights before just to survive. Bakas iyon sa kanilang mga mukha ngunit heto sila, nasa iisang grupo, kabilang sa iisang pamilyang binuo ng lalakeng mahal ko. Huminto kami sa harap nilang lahat. Humakbang naman palapit sa amin ang isang lalakeng may kulay abong mga matang kung tatantyahin ay mas bata sa amin ng ilang taon. "Baby, this is Calix. He's the head delta." Hank mumbled. Ngumiti sa akin si Calix saka niya iniyuko ang kanyang ulo. "Pleasure to finally meet you, Luna Kiara." Kumurba ang labi ko dahil sa itinawag niya sa akin. The way he said the word

