♥ FOURTY FOUR ♥ KIARA Marahan kong sinuklay ang buhok ni Phyam habang nakakandong siya sa akin. Mariing nagkadikit ang mga labi ko dala pa rin ng galit kay Clint. Hindi ko akalaing makakaya niyang saktan si Phyam dala ng selos. Walang kinalaman si Phyam sa mga nangyayari isa pa ay wala naman siyang ideyang buhay si Hank sa katauhan ni Juane. I don't know where he's coming from. Masyado na siyang nilalamon ng insecurities niya. Pati batang walang kaalam-alam nadadamay na. Marahas akong napabuntong hininga. I admit. Part of me blames myself for it. Clint wasn't like this before. His love for me made him wicked. That's the bad thing about love. Some one sided-love tends to turn hearts cold. It's either it will push you to move on or not at all. Instead of moving on with his life, Clin

