♥ FOURTEEN ♥ HANK "Hank, ito saan lalagay?" Sabi ni Edison. Hawak nila ni Earl 'yong cake na binili ko. Tinuro ko 'yong bilog na mesa malapit sa buffet table. "Doon na lang pre. Si Mrs. Albis na lang daw mag-aayos niyan tsaka ng topper. Salamat ah!" Ngumisi lang siya at tinanguan ako. Mayamaya tinignan ko naman si Edsel na nakahawak sa hagdang tinutungtungan ko para hindi gumalaw. "Eds, paabot pa ng isang tali." Sabi ko. Inabot naman niya kaagad sa'kin. Nang maiayos ko na ang huling linya ng Christmas lights, bumaba na ako. Pinunasan ko ng likod ng kamay ko pawis ko sa noo saka ko pinasadahan ng tingin ang paligid. Nakaset up na lahat. Grabe buti na lang talaga mababait mga tao rito. Alas tres pa lang nagsara na si Nana Esther ng diner para matulungan akong ihanda 'tong bakuran p

