Chapter 4

1675 Words
♥ FOUR ♥ "Girlfriend? Klaus naman. Alam kong si Meiko ang isa sa nagustuhan mong ex mo pero hindi naman siguro sila magkarelasyon?" Kunot-noo kong sabi. Nagkibit-balikat si Klaus. "We both know those twins' reputation, Kiara. Bukod sa pagiging unang twin Beta sa kasaysayan, alam natin kung gaano sila kabantog pagdating sa mga babae." Napaiwas ako ng tingin. Alam ko ang tungkol doon. Nauna ko pa ngang narinig ang balitang 'yon bago ko nakilala si Hank. "I know you want to trust him. I can't blame you, thou. After all, he is your mate pero sana hindi ka magpadalos-dalos. Kilalanin mo muna sana 'yang Hank na 'yan." Untag niya. Napabuntong hininga ako. Muli kong tinignan si Klaus. "Anong gagawi ko? I mean, I might offend him if I'll ask him about it." "Pwes ako ang magtatanong..." Seryoso niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Klaus!" Tumaas ang isa niyang kilay. "Call that bastard. Tell him we'll meet him tomorrow night." Seryoso niyang sabi saka siya tumayo at akmang pupunta na ng pinto. Napatayo rin ako at agad na pinigil ang kanyang braso. "Klaus, please. Let me handle this one." Nabaling ang tingin niya sa akin. Umigting ang kanyabg panga at tumaas ang isa niyang kilay. "No, sis." Muli niya akong tinalikuran at hahakbang na sana ulit nang muli ko siyang pinigilan. "Please. Kahit man lang ngayon hayaan niyo kong magdesisyon para sa sarili ko. Stop making me feel that I can't take care of myself." I mumbled. Biglang lumambot ang ekspresyon niya dahil sa sinabi ko. Naihilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha saka siya marahas na bumuntong hininga. "Fine. Fine. But I'll accompany you tomorrow night. Mas uminit ang mata ni Dad sayo. Mas maganda nang kasama mo ako para hindi ka paghinalaan. This ain't easy, sis. We're talking about someone from Remorse here. We both know kung gaano kaallergic si Dad sa mga taga Remorse." Mapakla akong ngumiti saka tumango. "Naiintindihan ko naman. Alam ko ring hindi basta-basta 'to, Klaus kaso ano pa bang magagawa ko? Hindi ko naman 'to hiniling. Kusa 'tong binigay." Malungkot kong sabi. Tinapik niya ang balikat ko habang may matipid na ngiti sa kanyang labi. "Don't worry, sis. I won't let anything bad happen to you." "Thank you, Klaus..." Tugon ko. I can't help but hug him. Minsan mas tatay pa nga si Klaus sa akin keysa kay Dad. He's just two years older than me but he became responsible for the both of us. Noong mga bata pa kami, kapag may nagagawa akong kasalanan, palagi na lang niya akong pinagtatakpan. Alam kong mali 'yon at lagi ko rin sinasabi sa kanya na hindi niya kailangang gawin iyon para sa akin pero ang laging sagot lang niya ay 'yong ngisi niya at pagtapik niya sa balikat ko. How I wish my brother could finally meet his mate. I know he's being lonely that's why he became more caring and protective to me. Wala pa ang babaeng dapat niyang tratuhin ng gano'n kaya sa akin niya ginagawa. Well, whoever she is, she's lucky. Bilang na lang ang lalakeng kagaya ng kapatid ko sa panahon ngayon. He took all his relationships seriously. Iyong kay Meiko, alam kong minahal niya talaga 'yon kaya lang ay magiging mitsa lang ng gulo ang relasyon nila. Isa pa, alam ko namang si kuya lang iyong naging seryoso sa relasyon nila. Hindi ko masabing malandi si Meiko pero halatang wala pa siyang balak seryosohin ang pag-ibig hindi gaya ni Klaus. Akala mo bawat babaeng nagiging girlfriend niya papakasalan niya na. Umaga kinabukasan nang magising ako sa tunog ng phone ko. Sinalat ko ito mula sa side table at inaantok pang sinagot ang tawag. "H-Hello?" Paos pa ang boses ko. "Sorry, nagising ba kita?" Untag niya. Parang biglang nabuhay ang dugo ko nang marinig ko ang boses ni Hank. Napabangon ako at natatarantang tinignan ang itsura ko sa salamin. I almost forgot it's just a phone call. "Kiara? Nandyan ka pa?" Untag niya. "Ha? Ah, oo. Sorry, kakagising ko lang kasi." Tugon ko. "Gano'n ba? Kumain ka na mamaya. Anyway, are you free tonight?" "Oo, bakit?" "May game kasi kami ng Nexus. Sa Astrid gaganapin." He mumbled. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa narinig. "Game? Naglalaro ka pala ng Nexus?" "Yeah. Tonight's gonna be the opening of this year's season. Gusto ko sanang nando'n ka." Untag niya. Bigla akong naexcite dahil sa sinabi niya. Napangiti ako at sasagot na sana nang bigla kong maalala ang isang bagay. Biglang bumagsak ang mga balikat ko at naglaho ang kurba sa aking labi. "Hank, you know I can't go. Baka sa border pa lang ng Astrid sinugod na ako ng deltas niyo." Malungkot kong sabi. "Don't worry. Akong bahala sayo. Ipapasundo kita sa East border sa isang delta. Walang pwedeng gumalaw sayo kun'di ako ang makakalaban nila." Seryoso niyang sabi. Nakagat ko ang ibaba kong labi dahil sa narinig. Huminga ako ng malalim saka ko pilit nginitian ang sarili ko sa salamin. "Okay. Pupunta ako." -- "What if it's a trap? Baka gusto ka lang nilang mahuli para gamitin laban sa'min ni Dad?" Inis na sabi ni Klaus habang nagmamaneho siya. Bumuntong hininga ako. "Please, Klaus. For once in your life, trust someone else..." Nabaling ang hindi na maipinta niyang mukha. "I can trust anyone, Kiara pero hindi ang kalaban." Napairap ako. "Hindi siya kalaban. Mate ko siya, Klaus." "Still, he's from Remorse." Galit niyang sabi. "Just please let me handle this one, okay? Kaya ko naman ang sarili ko." Untag ko. Napabuntong hininga na lamang siya at hindi na sumagot. Tahimik na lamang siyang nagmaneho hanggang sa marating namin ang East border kung saan may isang lalakeng nakatayo at tila naghihintay habang nakasandal sa kanyang kotse. Nang makita ang pagdating namin ay umayos siya ng tindig. Kaagad na napako kay Klaus ang mga mata ng lalake nang lumabas kami ng kotse. "Where's Venzon?" Seryosong tanong ni Klaus. "Busy preparing for the game. Binilin niya sa'kin si Kiara. Kaibigan ko siya." Tugon ng lalake. Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Klaus. Naningkit ang mga mata niya nang balingan niya ako. "Are you sure about this?" Untag niya. Pilit akong ngumiti saka tumango. Sandali kong piniga ang braso ni Klaus. "I'll be fine. Itetext na lang kita kapag pauwi na ko. Bye." Bago pa man siya makareact ay naglakad na ako palapit sa lalake. Ngumisi naman ito nang makalapit na ako sa kanya. Sandali niyang sinulyapan si Klaus saka niya isinenyas ang ulo niya na tila sinasabing aalis na kami. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya umikot patungo sa driver's seat. Nang umalis kami ay kinawayan ko pa si Klaus. Pinanood lang naman niya kaming lumayo. "I'm Jomyl by the way." Biglang sabi ng lalake saka sandaling sumulyap sa akin. Pilit akong ngumiti. "Salamat nga pala." Kumurba ang gilid ng kanyang labi. "Wala 'yon." Matipid niyang tugon saka muling itinuon ang atensyon sa pagmamaneho. Hindi na rin ako muling nagsalita. Pinagmasdan ko na lang ang tanawin sa labas ng sasakyan. Huminto ang kotse sa labas ng stadium. Nang lumabas si Jomyl sy lumabas na rin ako. Biglang napahinto ang ilang mga naroon at napatingin sa akin. Kitang-kita ko ang mabilis na pagbabago ng kulay ng mga mata nila. Their intense golden yellow eyes were piercing me with fury. May ilang tila anumang oras ay handa nang sumugod palapit sa akin. "If I were you, I wouldn't dare. Baka makita niyo kung paano magalit si Beta Hank." Seryosong pagbabanta ni Jomyl sa mga nasa paligid sa amin. Biglang nagbalik sa dati ang kulay ng mga mata nila. May ilang kusa nang pinigilan ang kanilang mga kasama. Ilang bulungan ang narinig ko. Beta. Respect. Ibang klase magalit. Naramdaman ko ang pagtapik ni Jomyl sa balikat ko. Nang lingunin ko siya ay matipid siyang nakangiti sa akin. "Don't worry. Hank may look jolly most of the time but everyone in here knows what he can do once he gets angry. He's not a beta for nothing." Paniniguro niya. Napangiti ako sa narinig. Mas humanga pa ako ngayon kay Hank. Sa paraan ng biglang paglie low ng mga tao kanina, halatang malaki ang takot at respeto nila sa kanya. Bigla tuloy akong nacurious kung paano siya magalit. Iginiya ako ni Jomyl papasok ng stadium. Halos malaglag ang panga ko nang makita kung gaano karaming tao ang naroon. Halos puno na ang buong lugar. I wonder if we can still get a good spot to watch the game. Unang beses ko pa namang makakapanood ng Nexus at kasali pa si Hank. Hinawakan ni Jomyl ang balikat ko saka siya biglang may itinuro. "Ayon siya." Untag niya. Napangiti ako nang makita ko si Hank suot ang uniform niya. Nakatalikod siya sa akin kaya nabasa ko kaagad ang number seven sa jersey niya. Kumunot lang ang noo ko nang makitang imbes na ang surname niya  ang nakalagay ay ang salitang "Inlove". "Go ahead. Kanina ka pa niya hininintay. I'll just go and talk to someone." Untag ni Jomyl. Ngumiti ako pabalik sa kanya. "Salamat sa pagdala sa'kin dito." "No worries. I'll go ahead. Goodluck." Untag niya. Tumango na lang ako at hinintay siyang makalabas muli ng stadium. Nang mawala na si Jomyl sa paningin ko ay muli kong binalingan si Hank. Hahakbang na sana ako palapit sa kanya nang makita kong may kausap na siyang babaeng may reddish orange na buhok. Mukhang may nakakatawa silang pinag-uusapan dahil umaalingawngaw ang malulutong na tawa ni Hank. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng inis. Huminga ako ng malalim bago ako nagsimulang maglakad palapit sa kanila. Habang lumalapit ako ay unti-unting lumilinaw ang pinag-uusapan nila. "Eh basta ang pusta ko para sa Brenther." Untag ng babae. "Ayan! Diyan ka magaling, Erin. Hindi kita sinundo sa Averida para lang pumusta ka sa kalaban." Tila nagtatampong sabi ni Hank. Tumaas ang kilay ko sa narinig. Akala ko ba 'yong pinsan niya ang pinuntahan niya ro'n at si Baron? Humagikgik ang babae saka biglang ginulo ang buhok ni Hank. Lalong kumulo ang dugo ko. "Pupusta ako sayo sa isang kundisyon." Untag ng babae habang matamis na nakangiti. Ngumisi si Hank saka niya itinupi ang kanyang mga braso. "Ano 'yon?" Lumawak ang ngiti sa labi ng babae. Lumapit pa siya lalo kay Hank saka siya biglang tumingkayad hanggang sa maabot niya ang tenga ni Hank. She whispered it...malas niya isa akong lycan. I clearly heard everything. "Go out with me, Hank..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD