Nang magising si Pia ay para siyang hindi makahinga. Ang bigat-bigat kasi ng loob niya hanggang sa nakatulogan nalang niya. Bumangon siya at inilibot ang paningin sa apat na sulok ng kwarto. Sigurado kasi siyang hindi ito ang kwarto niya. Ni hindi rin niya pamilyar ang kwarto maliban nalang sa lalaking katabi niya sa pagtulog. My Gulay! Ba't hindi niya matandaan na magkatabi pala sila sa pagtulog nito? Pero ang mas ikinagulat niya nang maisip niya na baka may ginawa silang milagro kagabi ng lalaki. Imposible naman yata yon dahil wala namang masakit sa katawan niya at kumpleto pa rin ang mga suot nila. At dahil mahimbing pa ang tulog ng lalaki kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na titigan ito ng maigi. Nakatagilid kasi itong nakaharap sa kanya. Oo, kagabi palang sila na nagkakil

