CHAPTER 19
Nagtataka lahat ng pumapasok sa clinic. Dedma lang ako at patuloy na ginagamot lahat ng pumasok or nagpapayo. Pero nakikita kong napapatingin sila lahat sa taong nakahandusay sa carpet ng clinic.
Pero hindi naman sila umiimik at patingin tingin lang.
"Anything I can help you?"
Kasalukuyang si Jasmine Rios ang nasa harapan ko. Titig na titig siya kay Poseidon na parang inaalam kung natutulog lang ba ito o pinaslang ko na.
"Wala naman Doc. May ubo kasi ako at si Bax na paparanoid. Magpatingin daw ako sayo. Kumuha narin daw ako ng anti biotics."
"Lahat naman ata ng BHO Boys ganiyan, paranoid. Mahina ang puso sa surprises. Mga seloso pa."
Tumango si Jasmine Xiara at napatingin uli kay poseidon. Ang lalaking nakahandusay sa sahig at walang malay.
"Anyway. You dont need an anti-biotics. Its not a baccterial infection its a viral infection kaya hindi din makakatulong ang anti-biotics. Here."
Tumayo ako at may kinuha na red tablet sa glass cabinet. Iniabot ko iyon kay Jasmine. "Isa yan sa mga inventions namin ni agent Med sa experiment department. Makakatulong yan sa cough mo. Less than 3 days magaling ka na. Pag hindi parin, come back here and I'll check you up."
"Okay, Doctora. Thanks."
Kinawayan niya ako at lumabas na ng silid. Binigyan niya pa ng huling tingin si Poseidon bago tuluyang umalis. Napabuntong-hininga ako at nilapitan ko si Poseidon. Kanina pa iyan diyan. Mukhang diretso tulog na ang pagkahimatay niya.
"Poseidon!"
Ang tagal magising. Sinipa ko ng mahina pero wala paring epekto. Umupo na lang ako sa swivel chair ko at pinatungan ko siya ng paa. Magigising din yan kapag gusto na niya.
Narinig ko ang mahinang pagkatok sa pintuan. Tumayo ako. "Come in."
"Hi doc."
Si Maries. M ay check up nga pala siya ngayon. First chek up. Nakita kong tahimik na nakabuntot sa kaniya ang buong elite agents kasama ang mga chikiting nila. Dala dala pa ni Kat sa malaking stroller ang triplets niya.
Moral support.
"Batalyon ang kasama mo ah."
"Oo nga eh. Inalert kasi ni Ethan tong mga to. Ayan sumama, moral support daw-"
Napangiti ako ng makita kong natigilan ang mga agents. Nakatingin sila kay Poseidon na nasa sahig.
"Hala! Nilason mo ba yan doc?"
"Sinaksak ng syringe?"
"Sinampal ng oxygen?"
"No. Hinimatay lang siya, na bigla ata."
Nakatulalang tumingin sila sa akin. Nakangiting tinaasan ko sila ng kilay habang hinihintay ang magiging reaksyon nila. Sa palagay ko madali lang nila itong mahuhulaan. Obvious naman kasi kung ano ang meron kapag hinihimatay ang mga BHO boys.
Pagkakaiba lang siguro ay mas matagal si Poseidon. Kanina pa nandiyan sa sahig ang taong iyan eh.
"BUNTIS KA, DOCTORA?!"
Tinawanan ko sila at tumango. Kaniya-kaniya na sila ng bati sa akin habang ang mga lalaki naman ay sinusundot-sundot pa si Poseidon. Nakigaya si Mishy at umupo siya sa tiyan ni Poseidon.
"Doc kahihimatay lang niyan?"tanong ni PJ.
"No. Kanina pa yan dyan. Baka natuloy na sa tulog kaya ganiyan katagal. Hayaan mo lang siya."
"Naku baka kung ano na nagyari diyan kung kanina pa yan. Gisingin natin." sabi ni Dale.
"He's fine. He'll wake up kapag ready na siya. Sa ngayon hindi pa dahil sinipa ko na yan at lahat hindi parin nagigising."
Natawa na lang sila. Pina-upo ko naman si Maries at nagsimula na sa mga tanong ko. Like allergies and genetic condition. I also measured her weight, height and blood pressure.
Sinagot ko din ang mga katanungan niya ukol sa kaniyang pagbubuntis. Niresetahan ko siya ng vitamins na maari niyang inumin.
"Your baby's gonna be fine."
"Thanks doc-"
May biglang umungol. Nilingon ko si Poseidon na hawak hawak ang ulo niya. "Ang sakit."
Walang imik na lumapit ako sa maliit na refrigerator at kumuha ng getorade. Inabot ko yon kay Poseidon na kaagad naman niyang tinaggap at ininom. Tapos tumayo siya at umupo sa gilid ng gurney. hinihilot niya yung hita niya.
"Bakit masakit ang hita ko?"
"Tumama ka lang siguro kung saan."
"Or baka dahil sa sipa mo, doc." natatawang suhestiyon ni Kat.
Tumulis ang nguso ni Poseidon. "Sinipa mo ko?"
"Nakaharang ka kasi. Lahat ng pumapasok dito napapatingin sayo. Sasabihin ko palang kung anong result ng pregnancy test, hinimatay-"
Nanlaki ang mga mata niya. Great. Hindi pa nga pala niya alam.
"Ano nga palang result?!"
"Positive."
Muntik niyang mabitawan qng getorade. Buti na lang nasalo ni Pj at inilagay sa tabi.
Tapos inalalayan niya si Poseidon na mukang hihimatayin na naman.
"Kaya mo yan poseidon. Hindi ka dapat himatayin ulit. Hindi tayo pwedeng mag ka level. Dapat ako lang ang two times na hinimatay."
"Aray. Wag mo akong alugin."
Mukhang lahat ata ng BHO boys hinidi kinakahiya na hinihimatay sila. Parang proud pa nga eh. Nakangiting umatras si PJ na mukang satisfied ng bumalik na ang kulay ni Poseidon.
"I'm the king of the world! BWAHAHAH! Ako ang nag wagiiii!"
Natatawang nilapitan ko na lang si Poseidon at umupo sa tabi niya.
"Okay ka na?"
"Yes. A little overwhelm, but happy. Kailan tayo bibili ng gamit? Nang stroller? Anong pangalan? San bibinyagan? San siya mag-aaral ng nursery? Ng elementary? Ng highschool? Ng college?-"
"Stop. Hinay-hinay lang. Hindi pa lumalabas si baby umabot ka na ng college."
Natatawa sila mishy habang nakangiting pinapanood kami.
"Excited lang naman ako. Nasa malayo lang ako ng ipinanganak si Warren. Pati ng binyag niya nakatanaw lang ako. Tapos ng bumibili ka ng gamit nanonood lang ako sa malayo.Hindi ko nakita ang una niyang paglakad, hindi ko narinig ng unang beses siyang nagsalita. Ni hindi ko nga alam kung ano ang una niyang sinabi."
Naiiyak na yinakap ko siya. Hindi naranasan ni Poseidon ang mga iyon dahil sa kagustuhan niyang protektahan kami. Lumayo siya.
Ang sakit sakit ng nararamdaman ko non. Hindi ko naisip na kung nahihirapan at nasasaktan ako, doble iyon sa naranasan ni poseidon. Kasi kahit paano kasama ko si warren sa araaw-araw at napapasaya ako. Samantalang siya, sa malayo lang nakatingin.
"His first word was 'da'. Lagi ko kasing pinapakita sa kaniya ang picture mo. Meron din sa malapit sa crib niya na picture mo. Mas nauna niya pang natutuhan ang pagtawag sayo kesa sakin."
"Bree.."
"Sige mamaya bibili tayo ng gamit. Pag-uusapan narin natin kung saan bibinyagan, san mag ne-nursery, highschool at college angmagiging anak natin."
Ngumiti siya sakin. I really love this guy.nKahit pa ata nuknukan ng kulit at pasaway ng taong to, hindi ako magsasawang mahalin siya. Kung tatanungin ako kung bakit natiis ko lahat ng sakit, kung bakit siya parin, wala akong maisasagot. There's no other reason and I cant explain it..
Basta ang alam ko lahat ng sagot ay iisang salita lang ang makakasakot.
Because I love him.