CHAPTER 16
"Anong kaguluhan ang meron dito?" Bulalas ko ng makapasok ako sa clinic na nagmukhang park dahil sa mga taong naroroon.
Nakatambay sa clinic ko lahat ng elite agents kasama pati sina Dale, Maries, Ethan at ang mga bulilits. May mga uno stacko, scrabble at snake in ladder sa sahig kung saan nakasalampak silang lahat. May mga chips pa.
"Hi, Bree, my pumpkin, doodle woodle, doodle bug, gorgeous, hotty, sexy missy, my honey bun, BEBE! I miss you!"
Tumakbo siya sakin at bigla akong niyakap. Halata ngang namiss niya ako. Pagkatapos kasi naming manggaling sa 'The Camp' na pinuntahan narin pala ni Maries at Ethan dati, naging busy na siya for about 2 weeks. Obvious naman sa suot ni Poseidon na nakapang Kuya Kim costume pa.
"Saan ka nanggaling?"-me
"Sa middle east. May hinuli kaming desert underground hideout ng mga taong nagbebenta ng illegal drugs."
"At bakit suot mo parin yan?"
"Grabe ha? Alam ko yang tono mo. Naligo na ako no! At bagong laba to. Anyway. pinagmamalaki ko lang ang bago kong damit look, o."
Nag pose pa siya sa harap ko. May naka saludo, may three finger sign ng girl scout, may dalawang kamay na nasa bewang na parang statue na ewan. "O, diba? Muka akong super hot na hiker."
"Ay, hindi. Mas may kamuka ka."
Umilaw naman ang mga mata niya sa sinabi ko. Pinagsalikop niya ang mga kamay niya at sumiksik sakin.
"Sino, sino? Dali!"
"Kamuka mo yung sa 'movie na UP'. Yung cartoon."
"Talaga? Gwapo ba yon? Ma ala johnny bravo?"
Obviously hindi niya kilala iyon. Nakita kong lumapit samin si Rain dala ang cellphone ng daddy niya. "Tito."
"Yes, sport?"
"Ito po yung sa 'UP' na sinasabi ni Tita."
Nakangiting tinignan ni Poseidon ang phone. Hanggang sa nawala na qng ngiti niya at naging pouty ang lips niya. Si rain naman walang imik na bumalik na sa pagbabasa sa isang tabi.
"Hindi ko kamuka yon."
"Kamuka mo kaya!"
"Hindi kaya!"
"Kamuka mo!"
"Hindi!"
"Kamuka!"
"Hindi!
"SABI NG KAMUKA MO YUN EH!!"-
"OO NGA SABI KO NGA KAMUKA KO YON!"
"SINISIGAWAN MO KO?!"
"HIN-..hindi. Bree dahling bebe, hindi ako sumisigaw. High pitch lang."
"Sinisigawan mo ata ako eh!"
"Sus! akala mo lang yun. Kinagat kasi ako ng langgam kaya napasigaw ako."
Tinitigan ko yung muka niya. Bakit ba ang cute ng lalakeng to? Para siyang maamong tupa na may kaharap na leon.
Sabay pa kami ni Poseidon na napalingon ni Poseidon kaila mishy na nagbubulungan at nakatingin samin. Agad silang huminto at ngumiti ng tumingin kami sa kanila. Nang binalik namin ni Poseidon ang tingin sa isa't-isa narinig na naman namin ang bulungan.
Kaya lumingon kami ulit. At nginitian lang ulit nila kami. Nakakunot noong tinignan ko sila at nilapitan. "Ano yon?"
"Wala po doc!"
Kinuha ko ang injection na nalagay ko sa bulsa ng coat ko kanina. Inilabas ko yon at sadiyang ipinakita sa kanila.
"Ano yon?"
Natawa si Kat. A nervous laugh. "Ano kasi Doc. Naisip lang namin..."
"Pwedeng-pwede ka sa field."dagdag ni PJ
"Kasi kahit si Poseidon suko sayo." singit naman ni Dale na bahagyang siniko ang asawa niya para ito naman ang magsalita. "At hindi lang yon. Kayang-kaya mong mag chang ng personality. Katulad noong mission. Mula sa nag pa-party na babae nagawa mong maging surgeon. You know, you can change and adapt."
Tumango-tango ako. Kahit pa sa sinabi nila, wala naman akong balak na maging agent ng field. Sanay na ako at mahal ko ang trabaho ko.
"Absolutely not. No, no, no."
"Wala naman akong balak. Isa pa kung kailan lang ako kailangan like the last time, payag ako. Kumbaga temporary lang."
"No."
"Sakalin kaya kita diyan. Sa tingin mo kaya kailangan ka mag kaka mission na kailangan ulit ako? Wala naman diba. Relax ka lang diyan, Russell."
"Sino naman si Ruselle?!"
"Tito iyon po yung bata sa UP." sabi ni Rain na nag-angat ng tingin mula sa binabasang picture book.
Nakapout na tinignan na naman ako ni Poseidon. Ang sarap talagang asarin. Asar talo eh. Hinila ako ni Poseidon sa kabilang panig ng clinic. Sinarado niya ang curtain. "Oy! Anong gagawin niyo diyan?Bawal yan! X-rated!" sigaw ni Kat.
"Inosente pa kami diyan! Nang slight." sigaw din ni Ethan.
"Shhh! ang ingay niyo! mag-uusap lang kami. May discussion lang kami dito."
Hinarpa niya ako at namewang. Simangot na simangot ang mukha niya na para bang may malaki akong krimen na ginawa.
"Para kang bading."
Tumingin siya sa floor tapos binalik niya sakin ang tingin niya. Iyong parang nahihiya tapos inipit niya ang imaginary long hair niya sa tenga niya.
"Masyado bang halata?"
"Yuck ka!"
Napahagalpak siya ng tawa. "Anyway, hindi ka pwede sa field."
"OO na nga. Kapag kailangan niyo lang ako."
"Hindi nga pwede. Baka masaktan ka."
"Bakit pababayaan mo ba kong masaktan?"
"Syempre hindi-"
"Hahayaan mo ba na mag may tangka na saktan ako?"
"Hindi! Papatayin ko yon."
"So, anong problema?"
"Oo na. Sabi ko nga wala."
Sinalubong ko ang tingin niya. He must really love me. Kahit na ina-under under ko lang siya. Hndi pa ba siya napapagod sakin?
"Poseidon."
"Yes, bebe?"
"Mahal mo ba talaga ako?"
"Oo naman. You'll always be my baby nga eh."
"Hindi ka pa nagsasawa sakin?"
Naging seryoso siya bigla. He bend down and stared very intently in my eyes. "Ayoko ng ganiyang tanong Bree. I love you. Ikaw lang. Hindi ko na kayang magmahal pa ng iba. Kahit tutukan pa nila ako ng kanyon, sa iyo lang titibok ang puso ko."
"Kahit tingin nila under ka?"
"Wala akong pakialam. Mahal kasi kita kaya payag akong mag pa under. Wala akong pakialam sa kanila, okay? You and warren and sophie. Kayo ang pinakamahalaga sa akin."
"I love you too."
"So pwede ako naman ang mag tanong?"
"Okay lang."
"Hindi ka pa ba nagsasawa sakin? Kahit na ang kulit kulit ko na?"
"Kahit anong inis at pagkaasar ko sayo. Hindi maitatago non na mas minamahal pa kita dahil don. Its a part of you and I don't want to change that because besides the good things I like about you I also love the worst things about you. Kasi mahal kita. Wala na atang mas maganda pang paliwanag."
Unti-unting lumapit ang mga labi niya sakin. Until his lips met mine. I closed my eyes and just feel.
"Ganiyan pala ang may discussion."
Naitulak ko ng wala sa oras si Poseidon. Nakaitngin na pala sa amin ang mga agents na napapailing-iling pa. Buti na lang busy pa ang mga bata sa paglalaro kaya wala ang kanilang atensyon sa amin.
"Ammm." alanganing sabi ko.
"Storbo!"
"Dale halika na. May discussion rin tayo."
"Okay!"
"Pj...."
"Gusto mong mag meeting tayo? Why not, halika na."
"Maries may importante tayong pag-uusapan."
"Okie dokie!"
Ah, ewan! Bahala na kayo sa mga buhay niyo. Dito muna ako kasama ng Poseidon ko. Right, right?