CHAPTER 14
Hindi na namin nahanap ni Poseidon ang restaurant na sinabi sa kaniya ni PJ. Naghanap na lang kami ng ibang makakainan dahil talagang gutom na ako. Kulang na lang ako na ang magmaneho ng sasakyan at paliparin iyon.
Nakarating kami sa The Camp.
"Hi Sir! Welcome to The Camp.Do you have a reservation? Kung wala po okay lang din. We can arrange something for you. Meron ding mga villasat cottages, pero mas maganda po sa bago naming place na ang tawag ay Bonfire. Doon po sa baba na iyon kung saan pipili kayo ng place na camp inspired. We can also-"
Lumapit ako ng todo sa counter at binigyan ko ng 'stop' sign ang babaeng receptionist na tuloy-tuloy magsalita. At 'Hi, Sir' daw? Mukha ba akong invisible?
"Yes, Ma'am what I can do for you?"
Aba't! Nakataas pa ang kilay niya na parang sinasabing nakakaistorbo ako. Kapag gantong gutom ako kumakatay ako ng malanding babae!
"Excuse me lang miss kasama ko kasi yang lalakeng yan at oo nga pala, hi din sayo incase na invisible ako sa paningin mo. Anong lugar dito ang may madaling mag serve ng pagkain? Iyon ang kukunin namin."
Napatanga siya sakin. Malay niya bang papatulan ko siya. Gutom na nga sabi ako. Kadalasan akong kalmado at may mga iilan lang na paraan para galitin ako ng todo. Una, kapag ang mga anak ko ang naagrabyado. Pangalawa, kapag may babaeng dumidikit kay Poseidon. At pangatlo kapag gutom ako.
Natatawang inakbayan ako ni Poseidon. "Ano nga bang villa dito ang may pinakamabilis mag serve ng food?"
"Sa Bonfire po. Puro grilled po ang food na isiniserve don. Dalawa na lang po ang available na tent."
"Tent?"
"Yes, Sir. Tent inspired po ang mga iyon at sa loob may japanese style bed din po."
"We're not staying the night."
"Pasensya na po ma'am pero lahat po ng services dito ang minimum ay isang araw. Its the policy of The Camp."
Tinignan ko si Poseidon. Nagkibit-balikat siya. "Okay, we'll stay one night. Meron ba kayong more private na place?"
"Sa dulong part po. Secluded part po yon and it cost higher than the others."
"We'll get it"
Tumango ang babaeng receptionist. May kinuha siya na susi. Sosyal, may key na ngayon ang tent.
"Eto na po sir. Diretsuhin niyo lang po ang way na iyan at may makikita kayo na asul na gate. Igu-guide po kayo ng mga ilaw papunta sa kinaroroonan ng mga tent. Camp HRT po ang sa inyo."
"Okay. paki serve na lang ang food."
"Yes, Sir."
Nakaakbay parin si Poseidon sakin at hinila na akong palabas. Bago kami tumalikod na kita ko pa ang nanghihinayang na tingin ng babae. Talaga naman. Ano bang meron tong kolokoy nato at parang gustong gusto ng mga babae?
Well besides the fact na he's handsome, cute, adorable, sweet, and gentleman, and- At bakit ko ba pinupuri tong taong to?
"Bree?"
"Hmm?"
"Wala lang."
Tapos ngumiti siya. "Bree?"
"O?"
"Wala langulit."
Pasaway. Wala na namang magawa sa buhay niya. Likas na ata talaga kay Poseidon ang pagiging makulit niya.
"Bree?"
"ANO?!"
Humalakhak siya. "Wala lang, nandito na tayo."
Pacute masyado ang taong ito kaya lahat na lang ng babae pinagiinteresan siya. Masyado kasing sweet.
Nilibot ko ang mga mata ko sa lugar kung nasaan kami. May malaking tent na halos kasing taas na ng isang bahay-kubo. May ilawdin sa loob Ang ibang tent na inookupa ng ibang guess ay may kalayuan sa amin.
"Wow!" Bulalas ni Poseidon.
Nasa loob na kami at pinagmamasdan ang lugat. May malaking japanese bed don tapos may ilaw, may maliit din na table sa gilid. Sa labas naman ng tent ay may malaking picnic blanket at sa gitna non ay maliit na table.
Umupo kami doon ni Poseidon ng makita naming may papalapit na lalakeng may dalang basket na mukhang naglalaman ng pagkain. May kasunod pa itong dalawang lalaki. Binati nila kami at pagkatapos ay nakangiting hinain nila sa harap namin ang mga pag kain pag katapos ay umalis na sila.
Hindi ko na pinansin si Poseidon dahil nilantakan ko na ang mga pag kain. Kapag ganitong gutom ako wala munang pansinan.
Tumunog ang phone ni Poseidon at sinagot naman niya iyon."Hello? O, Ethan. Nakabalik na kayo? Kamusta ang honeymoon? May bago nabang bulilit ang BHO?" tinignan ko siya habang kumakagat ako sa hawak kong chicken legs.
Muntik pa akong mabulunan ng bigla na lang niya akong kindatan.
"Buntis na si Maries? Thats so great. Sorry kayo dahil mas nauna ako sa inyong magka-baby."
Nanunuksong nagtaas baba ang mga kilay niya habang nakatingin siya sakin. I mouthed 'umayos ka'.
"Kasama ko si Bre. Nasa the camp kami. Anong magic? May magic ang place nato? Weh? ano ngang magic-"
Nilayo ni Poseidon ang phone at napailing. "Naputol."
"Anong magic ang pinag-uusapan niyo?"
"Ewan ko don. Basta sabi niya dito daw sila nag honeymoon ni Maries. Tapos dito muna daw tayo dahil daw may magic daw dito."
"Magic? May show ba dito mamaya?"
"Wala namang sinabi yung babae kanina.
Nag kibit-balikat ako at nag patuloy na lamang sa pag kain. Saka ko naiintindihin ang magic magic na sinasabi ni Ethan. "Bree."
"Bakit?"
"Buntis daw si Maries."
"Thats great. May bago na namang baby ang BHO. I wonder kung ilan ang magiging baby nila. Since mukhang nasa lahi niyo ang twins and triplets, katulad ng triplets na mga kapatid mo."
"Sana nga. Mas maraming babies mas ayos. Maraming tagapagmana ang BHO."
"Sabagay."
"But of course soul heir of BHO si Warren. Pero maganda narin ang madami sila para incase na may magmamana ng mga posisyon namin."
"I just hope hindi sa field mapunta si Warren. Aatakihin ako sa puso pag nasaktan ang batang iyon."
"That's why he need to train when the time is right."
Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Syempre natural instinct ng isang nanay ang mag alala para sa anak niya. Lahat naman ata ganon.
"Hey, tikman mo to. Masarap." sinubuan niya ako ng grilled na quit. I open my mouth then close my eyes as I savor the taste. And unconciously my tongue and lips touch his fingertips. Na realize ko na lang ang ginawa ko ng mapatingin ako kay Poseidon.
Nawala na ang bubbly at makulit na si Poseidon. The poseidon that I am with right now have a raging fire in his eyes. I don't know who made the first moved. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nagpapatangay sa apoy na sumisiklab sa kaibuturan namin.
Fear still reside inside me. But I'm willing to take the risk now. I'm willing to take the risk of loving him like the way I used to loved him.