Chapter 8

797 Words
CHAPTER 8 Pagkatapos ng kiss kanina, piningot ko si Poseidon at pinalabas ko siya ng clinic. Natatawa lang yung mga nakakita samin dahil ang boss ng BHO ay kinakaya-kaya ko lang. Hindi ko tuloy mapigilang maalala ang nangyari kanina kung saan humahataw na naman ang kakulitan ni Poseidon. ****Nabigla ako ng bigla siyang nagnakaw ng halik. "Sorry na lang sila Superman. Di hamak na mas type kita."   Parang...parang kinikilig ako! Pero mamaya na yang kilig kilig na yan. Mag ta-trabaho pa ako. Walang sabi-sabing piningot ko si Poseidon at hinila ko palabas ng clinic.   "Aray!"   Hawak hawak ko parin yung tenga niya na hinila ko siya sa labas ng clinic. "Diyan ka. Wag kang papasok dito hanggang hindi pa ako tapos mag-trabaho."   "Bree, my heart, my cutie pie, my darling baby, dont leave me!"   "Umayos ka. Mahiya ka naman sa mga alaga mo."   Nginuso ko pasa kaniya ang mga agents na natatawang nakatingin samin. Nakita ko pa si PJ na umiiling iling na nilagpasan kami.   "Pakialam ko sa mga yan. I only have my eyes for you baby, baby, baby, oh!"   "Umalis ka na! magta-trabaho pa ako."   tumalikod na ako at pumasok.   "Remember my different kinds of love, bree my heart, my sugar, my baby doll." tinignan ko siya ng masama. Nakita ko rin ang nanunudyong mga tingin nung mga agents.   "Kayo! umalis narin kayo...at ikaw Enrique Marshall. Anong different kinds of love ka diyan. Mamaya ma misinterpret pa nila-"   "Marami naman talaga akong pagmamahal para sayo, baby ko, mahal, dahling, bebe!"   "Iisa lang ang uri ng love, alis!"   "I'll show you! The power of my different kinds of love!" tinaas niya pa ang kanan niyang kamay na parang lilipad.   "Oo na, Oo na. Tsupi!***   Dfferent kinds of love? iisa lang naman yon ah. Ano pa ba ang uri ng love na mayroon? Yung pure na love at saka yung may pagnanasa? Ay, ewan!   "Doktora, we're done." pagbibigay alam ni agent Med.   "Finally."   "Konti lang naman ang work ngayon dito. Dapat hindi mo na pinaalis ang generator mo ng endearment para may nag e-entertain naman sa atin dito."   Nginuso niya pa yung mga tumatango-tango na nurses. "Adik kayo. Ginawa niyo pang clown ang isang yon."   "More like a radio. Ang ingay kaya ni among tunay."   "Sinabi mo pa. Nabibingi na ako dun eh. Lging nakasigaw malayo pa lang."sabi ko na ikinatawa lang nila.   Lumapit ako sa maliit na refrigerator at kumuha don ng tubig. Nang uminom na ako aymuntik ko pang maibuga ng may marinig akong pamilyar na boses.   "Bree, aking mahal, nag iisang diyosa ng aking puso, beh beh ko, Irog, lub, sinta kooo!"   Napahagalpak si agent Med. "Ayan na. Mukang makata ang generator mo ngayon. Bye bye na. Makaistorbo pa kami sa kasweetan niyo."   Umalis na sila habang ako naman ay naiwang naka kunot noo. Kumuha ako ng popsicle habang iniintay ang pagpasok ni Poseidon. "Hi there my lubs! Na miss mo ba ak-"   Sinubo ko sa kaniya iyon. "Hmmm..sarap! Anyway..here's my different kind of love. Nilagay ko siya talaga sa brown paper bag para suprise suprise."   Tinaasan ko lang siya ng kilay. May kinuha siya sa paper bag at inabot sakin.   "Wag ka ng magtanong kung saan ko to nakuha...pero hindi naman secret. I wont keep anything from you, sinta ko! Dahil ikaw ang aginaya ng buhay ko at ako si machete!"   Kinagat ko ang ibabang labi ko upang mapigilan ang pagngiti ko. Kung ano-ano talaga ang naiisip ni Poseidon. Nakakapagtakang hindi siya anging sobrang seryoso sa buhay lalo na at ang dami niyang pinagdaanan.   Tinignan ko ang bulaklak na inilabas niya mula sa paperbag at inabot sa akin. Alium flower?   "Para san to?"   "Alium means stength.. Te strength of my love for you and this, Armaryllis means beauty because I'm captivated by your beauty. This one, Carnation, it means fascination...you always fascinates me."   Kada bulaklak na binibigay niya sakin may mga kaniya kaniyang explanation. Mukang nag research pa ang pasaway nato.   "Dandelion means faithfulness, I'll always be faithful to you. Gardenia means lovely.because you are lovely.. Pansy means loyalty, Ill always be loyal to you and only you."   Ang dami ko ng bulaklak na hawak. Everytime Poseidon hand me another flower...parang naiiyak ako. I love this guy.   "And this one is Primrose, it means happiness and satisfaction cause every-time I'm with you I feel happy and satisfied like I truly belong beside you..and this Water lily signifies the purity of your heart and the purity of my love for you. Daffodil..it means new beginnings, let's start again Bree. And this rose means love, I love you."   I smiled at him. I felt tears fell from my eyes..   "Iisa na lang ang natitira."   "What is it?"   "This one."   Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang flower na inilabas niya. Cyclamen. Yes, it's beautiful, but I hate that flower. I hate its meaning because it means Resignation and Goodbye.   "Poseidon? A-are you..."   "No bree. I'm not saying goodbye. Sinama ko ang bulaklak na ito dahil gusto kong ipakita sayo ang nagiisang bulaklak na hinding hindi ko ibibigay sayo."   "I'll never say goodbye again. Hindi na ako susuko sayo kahit kailan."   "Poseidon..."   "I love you, bree. So much."   I feel so happy. I whispered on his ear. "Poseidon?"   "Yes?""   "I love you too."   Nakangiting humiwalay ako sa kaniya. I put my arms around his neck then this time..   I'm the one who kissed him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD