Chapter 4

1066 Words
CHAPTER 4   Nasa enchanted kingdom kami ngayon. Kasama ko si Poseidon at ang dalawang bata pati na ang yaya ng mga ito. Sobrang grateful talaga ako sa BHO dahil sa nagawa nilang mahanap si Warren. Hindi ko kakayanin kung tumagal pa na hindi ko siya nakikita.   Ang mismong asawa ni kuya Brandon ang nagpakuha kay Warren. Nalaman niya kasi na pinangalan ni kuya ang mga ari-arian nito kay Warren. Muntik pa naming pagbintangan ang ex-girlfriend ni kuya na may galit din rito. Mabuti na lamang at talagang propesyonal ang mga agents.   "Mommy I want to go there." sabi sa akin ni Sophie at tinuro ang Dino Ferris Wheel na para sa mga bata. Binalingan ko si Warren na nanatiling tahimik.   "Ikaw warren?"   "Okay lang mommy."   "Mom, you can just go with daddy. You know hav a date then I can have a date with warren too. Yaya loli and yaya nana is with us naman eh." singin muli ni Sophie na nagniningning pa ang mga mata.   Napaka advance talaga ng batang to. Date? Ano kayang mga movie ang pinapanood ng batang ito?nakuuuuu!   "That's a good idea, sweetie. Dito lang kami sa malapit don't worry. Yaya loli tatawagan ko kayo ha?"   "Oho, sir."   Hinila na ako palayo ni Poseidon. Kaagad akong umalma at tumingin kaila Warren na papalayo na. I can't bear the thought of losing him again.   "Wait...ayokong iwan si warren-"   "He'll be safe kinausap ko ang security team ng Enchanted Kingdom.Nakabantay sila sa mga bata ngayon."   Napatingin ako sa kaniya. Wala siya sinabi sa akin tungkol dito. Bahagya siyang ngumiti at pinisil ang mga kamay ko.   "I know you'll be worried. Hindi tayo mag e-enjoy kung buong araw ay mag-aalala tayo na baka may magtangka na naman sa mga bata."   "Thank you."   "I did it for me to, Bree. Anak ko din si Warren. Hindi mo lang alam kung gaano kalaki ang takot na naramdaman ko ng malaman kong nawala siya. Kulang na lang ay paghiwalay-hiwalayin ko ang mundo para lang mahanap siya."   Pareho lang kami ng nararamdaman. Iba parin kapag anak mo na ang naagrabyado. Maghahalo talaga ang balat sa tinalupan.   "Doon tayo." Turo ni Poseidon sa isang ride.   "Jungle log jam? Sure ka kaya mo diyan?"   Alam kong mahigpit ang training nila Poseidon. Pero dati kasi takot yan sa mga fast rides though hindi naman siya takot sa heights. Ang kinakatakot niya sa mga rides ay yung bilis saka pabigla bigla na galaw.   "Oo kaya ko diyan. Iba na ata ako ngayon. Mas hot na ako."   "Whatever." Umentra na naman ang kayabangan ng taong ito. Hindi na ata mawawala iyon kay Poseidon. Katulad ng sabi niya noon. 'One of his charms'.   Pumila na kami. Kumunot ang noo ko ng mapansin kong konti lang ang mga nakapila. Imposible iyon para sa isang amusement park na katulad nito. Kailangan ba nawalan ng tao sa mga amusement park?   "Poseidon..."   "Yes, honey, baby, love, sugar, sweetheart?"   Pasaway. Bat ba ang landi ng lalakeng to? Lahat ba ng lalake sa BHO ganto kalandi? Parang hindi naman.   "Bakit konti lang ang tao?"-me   "Huh? Ah..eh? Ano?"   Sinasabi ko na nga ba. May kinalaman ang tukmol na ito kung bakit kokonti lang ang mga tao.   "Enrique Marshall..tinatanong kita!"   "Nag bayad ako para konti lang ang papasukin nila."   "Ano ka ba? Pano na lang ang mga pupunta dito? Masasayang lang yung pamasahe nila!"   "Relax, my heart. Ganto kasi yon, kahapon pa sila nag paskil dito na konti lang ang papasukin ngayon. Nakalagay din sa internet. At ang mga nag papa reserve sinsabi din ang balita sa kanila."   Psh. Kung hindi ko lang....mahal- Ah basta!   "Ma'am, Sir, dalawa lang po kayo?"   "Yes."   Sumakay na kami sa log. Nasa likod si Poseidon at sa harapan naman ako. Nang nagsimula na ang pagandar namin ay nagsalita si Poseidon.    "Bree?"   "Yeh?"   "Isang round lang to diba?"   "Sa pagkakaalam ko, bakit?"   "Ammm...wala naman...."   Napansin kong basa ang hawakan sa gilid namin. Tubig kasi ang dinadaanan ng log. Ang nakakatakot lang, wala man lang seatbelt para matiyak na ligtas ang mga sasakay.   Nang umaakyat na ang log sa isang daanan ay hinigpitan ko ang pagkakakapit sa hawakan. Mahirap na at baka bigla na lang akong tumalsik. Akmang hihinga pa lang ako ng malalim ng bigla na lang kaming inihulog.   Grabe lang. Biglang hulog talaga.   "Ahhhhhhhhhhhhh!"   Napabitaw ako at tinakpan ko ang tenga ko. Makabasag eardrums ang sigaw ni Poseidon. Parang nayanig ata ang ulo ko.   Nang nasa baba na kami ay bahagya ko siyang nilingon. Nang-aasar na nginisihan ko siya. "Akala ko ba mas hot ka na ngayon? Bat sigaw ka ng sigaw diyan?"   "Huh? Hindi ako yon ha!"   "Weh, di nga?"   "Oo nga! Di bale..tapos na naman tayo dito, patutunayan ko ang hotness ko don sa roller coaster." tapos na?   Hindi ko na nagawang sumagot dahil napansin ko na iba ang dinadaanan namin. Napahagalpakl ako ng tawa ng makita kong paakyat na naman ang log. May isa pa pala.   "Oy!oy! bakit umaakyat na naman tayo! Bakit mas mataas?! TULONG!"   "Shhh! Wag kang maingay. Ganto talaga yon." natatawang saway ko sa kaniya.   "Ayoko na!"   "Akala ko ba hot ka?"   "May iba pang paraan para patunayan na hot ako. Ayoko na, baba na tayo!"   Nilingon ko ang isang lalaki na nasa loob ng kwarto na katapat ng mataas na kinaroroonan namin. Mukhang siya ang tagapindot. Base sa pag-alog ng balikat niya ay halatang natatawa din siya kay Poseidon.   "Wag kang malikot, Poseidon. Ang dulas ng hawakan oh."   Nagulat na lang ako ng sakin na yumakap si poseidon. Hindi ko na lang sinaway dahil mukhang natatakot nga siya.   Ano ba namang agent to? Tumatalon sa matataas na building pero takot sa fast rides. Sabagay kasi mas mabagal kapag gumagamit sila ng Rapel 101. Kontrolado nila ang magiging pagbagsak nila. Hindi katulad dito.   "KUYA! BABABA NA KAMI-..AHHHHHHHHHHHHHHH!"   Natatakot ako kanina pero nawala iyon dahil kay Poseidon. He looks so hilarious. Parang gusto na niyang tumalon mula sa kinaroroonan namin. Nang matapos ang ride ay kulang na lang kaladkarin ako ni Poseidon makalayo lang doon.   "Muka kang binibad sa suka." pagbibigay alam ko sa kaniya.   "Ganiyan talaga pag tisoy."   "Tisoy your face. Duwag ka kamo."   "Hindi kaya. Papatunayan ko sayo na nabigla lang ako kanina. Mag roller coaster tayo."   Nag lakad kami hanggang nakarating kami sa rides na may pangalang, Roller Skates'. Maliit na coaster yon at hindi naman umiikot talaga bali mini version lang saka mababa.   "Diyan?"   "Oo."   "Ayoko."   Tumawa ng nakakaloko si Poseidon. "Natatakot ka, bree, my heart? Dont worry dahil nandito ang superman mo." tinaas pa niya ang kamay niya na animo si Superman.   "Kapal. Ayoko lang ng ride nayan. Gusto ko doon. Halika na." Hinila ko siya hanggang sa makarating kami sa gusto kong sakyan. "San ba-"   "Diyan."   Saglit na natahimik si Poseidon. Pagkaraan ay ninerbyos na tumawa siya. Naaliw na pinagmasdan ko siya habang pabalik-balik ang tingin niya mula sa akin at sa ride na gusto ko.   "Pwede namang don na lang..pareho lang naman yon.."   "Ayoko, diyan ko gusto."   Humahagikhik na hinila ko na siya papunta sa pila ng,   SPACE SHUTTLE.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD