CHAPTER 2
I'm going to the park. Sunday na kasi ngayon. Kahapon nag stay si Poseidon sa bahay with Warren. Kagagaling ko lang sa BHO kaya diretso na ako sa nasabing park kung saan naroon si Poseidon at ang mga bata.
Yes, 'mga'. I have a daughter named Sophia Carina Cole. She's not my biological daughter. Matalik na kaibigan ko ang kaniyang ina na namatay sa panganganak sa kaniya. at dahil ulila na ito, ako ang naging guardian ni Sophia.
I treat her as my own though alam niya kung sino ang tunay niyang ina cause I never attempted to hide it from her kahit na apat na taon pa lang siya. AYoko kasi na hindi niya makilala ang tunay niyang ina. And she's carrying her mother's surname too katulad ng inihabilin nito bago ito pumanaw.
Pinark ko ang kotse sa tabi ng kotse ni Poseidon. Madali lang naman malaman kung alin ang kotse niya sa kakaunting mga naka park dito sapagkat stand out talaga ang dala niyang sasakyan.
Dumiretso ako sa field kung saan naabutan kong nagtatawanan sila Poseidon at Warren habang naglalaro ng baseball. Si Sophia naman ay nakaupo sa isang bench habang lumalantak ng isang bucket ng french fries. Nadaanan ko pa ang ilang mga batang naglalaro ng bike. Hmm, I'll teach the kids to ride one when I have time.
Lumapit ako kay Sophia.
"Mom!"
"Hi, sweetie."
Kumuha ako ng tissue sa bag at pinunasan ko ang bibig niya. Nilingon ko ulit sila Poseidon at Warren na mukang seryosong seryoso sa ginagawa.
"Do you even know how to play that?"
Napalingon sa akin si Poseidon na halatang nagulat. Pagkaraan ay ngiting-ngiti na kumaway siya. "Bree, love!"
"Love ka diyan."
Inirapan ko siya at hinarap ko si Warren na excited na binitawan ang bat at tumakbo palapit sa akin. "Hi there, sport."
"Mommy!"
Sinalo ko siya ng bigla siyang tumalon at natatawang pinupog ko siya ng halik sa pisngi. Dadating ang panahon at hindi ko na mahahalikan ang anak kong ito. He's growing too fast.
"Miss mo na si Mommy?"
"Yes, mommy. Miss ka na namin ni Sophie. Wag ka ng mag work mommy. Dad can give us na lang money, diba dad?"
"Oo naman-"
Pinutol ko kung ano man ang sasabihin niya. Pasimpleng pinandilatan ko siya dahilan para mapabuntong-hininga siya. Ayoko sa lahat ay iyong pinangungunahan ako. I know that my son is missiong me but I also know that he will understand why I'm doing this. Kahit na hindi mismo sa BHO ako magtrabaho ay kakailanganin ng propesyon ko ang oras ko. I'm a doctor and it's part of the job description.
Hindi ko naman pinababayaan ang mga anak ko. Alam ko ang limitasyon ko sa trabaho at alam ko kung paano ko imamanage ang oras ko. I'm not neglecting them.
"Hindi pwede anak. I need to work. I told you this before, mommy needs to work because I need to help other people besides sa umpisa lang naman ako medyo busy. I'll have more time for you and sophie, soon."
Kumunot ang noo ni warren at nag pout. He looks so much like his dad, when he do this expression.
"Why do you need to help those people, mommy? Mas important sila kesa samin?"
"Cause I'm a doctor, honey. I need to work because I love this job and I told you that helping other people is a good thing to do. Saving lives is the right thing. Hindi naman ako nawawalan ng oras sayo and kay Sophie. But you need to understand, mommy, because lots of people need her help."
Mukang na pacify naman si Warren at nanatiling nakayakap lang sa akin. Si Sophie naman patuloy lang sa pag kain ng french fries na animo walang pakielam sa mundo. Binalingan ko siya.
"How about you, honey? Are you okay with that?"
Kinibit niya ang maliliit niyang balikat. "Someone has to do it, mom."
Napangiti ako at ganon din si Poseidon na tahimik na pinapanood kami. Binaba ko na si Warren na mukhang hindi na nagtatampo.
"Go, tuturuan ka pa ng daddy mo mag baseball."
Tumakbo na siya papunta kay Poseidon na nakatingin parin sakin. Tinaasan ko siya ng kilay at tumalikod na ako. Umupo ako sa tabi ni sophie at naki kain.
"Mom."
"Hmm?"
"Can I tell you a secret?"
Secret? Uso na din iyon sa mga batang katulad nitong anak ko? "Sure, sweetie."
"May na panood po akong movie yesterday. The boy said to the girl na destined sila for each other and they'll meet again. They went on seperate ways but then in the end they end up with each other."
Napatunganga ako. Apat na taon pa lang si Sophie. Alam ko na dadating ang panahon na ito. Love talk between mother and daughter. Pero ganito ba talaga kaaga iyon?
"And?"
"I like that boy! He's mysterious yet he's fun to be with."
Hinilot ko ang sentido ko. Parang biglang sumakit ang ulo ko. Anong gagawin ko ngayon? San lupalop ng mundo ko hahanapin ang 'boy' na sinasabi ni sophia?
"Anak, mahirap kasi ang gusto mo. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin yang batang sinasabi mo. Saka na lang natin hanapin kapag malaki ka na, okay?."
"But, mom. You don't need to. I already found him."
Whaaaaaaaaat?! Hindi ko alam pero parang gusto ko na lang itakbo si Sophie paalis at ng mailayo sa batang pag-ibig niya. Or should I say, baby na pag-ibig niya?
"Ano kamo? San?"
"Sabi sa movie lahat daw ng tao may taong destined para sa kanila..so meron din po ako. I want..."
Binitin niya pa ang sasabihin niya samantalang ako ay suspense na suspense na at handa ng tumakbo kapag nalaman kong nasa paligid lang ang batang sinasabi niya. Inikot ko pa ang paningin sa paligid at pasimpleng hinahanap ang love interest ng anak ko.
"And?"
"I want you to promise me, mom, na someday when I grow up, Warren and I will be married."
Kulang ang sabihing na shock ako sa sinabi niya. That's an understatement. Pakiramdam ko pinompyang ako sa narinig kong mga kataga na namutawi sa bibig niya.
"WHAT?!"
Napalingon sakin sila Poseidon. Sumenyas ako na wag nila akong pansinin at ipagpatuloy lang ang ginagawa nila. Nagtataka man ay tumalikod na sila ulit at naglaro. Binalik ko ang tingin ko kay Sophia na seryosong seryoso sa tabi ko.
"Sophia anak, kapatid mo si Warren."
Ngumuso siya. "No he's not.I'm not his blood sister. I can be his sister for now but I wanna marry him someday!"
"But-"
"Mom! Promise me!"
Natawa na ako. Ginulo ko ang buhok niya at hinila ko siya palapit sa akin. "Fine, fine. Ako ng bahala. Basta ngayon bawal pa ang love love, okay?"
Her eyes sparkled and then she smiled. "Yes, Mommy! But first..." Inilahad niya sa akin ang hinliliit niya.
"What is it?"
"Pinky swear?"
"I swear."
Sorry my baby Warren. Mukhang officially engaged ka na today. May point nga naman si Sophie. Hindi naman talaga sila mag kapatid. Though may posibilidad na ma-out grew niya ang infatuation niya kay Warren, maaring hindi din. Anything is possible.
"Kids laro muna kayo sa swing. Napagod na si daddy eh."
May nag-aaya kay Warren at mukhang wala siyang balak sumama hanggat hindi sasama si Sophie. Binigyan ko ng baby wipes si Sophie at ginamit muna niya iyon bago patakbong lumapit kay Warren at magkawak-kamay na nagpunta sa ibang mga bata.
May future.
Nang makalayo na sila ay inabot ko kay Poseidon ang mineral water sa tabi ko. Kinuha niya iyon at pagkatapos ay umupo sa tabi ko.
"Hey, Love-"
"Love ka diyan."
Tumawa lang siya. Sanay na din ata ang taong to na iyon ang sagot ko kada tatawagin niya akong 'love' o kahit na ano pang eanderment na maisip niya.
"Date tayo mamayang gabi."
"Ayoko. At bakit gabi? May binabalak ka na namang masama ano?"
"Eto naman. Para nag aaya lang ng date may gagawin ng masama."
"Dahil sa gabi pa ang gusto mo. Kaduda-duda ka pa naman."
He gave out his another signature pout. "Hanggang kailan mo ba ako babastedin? Sige ka mamaya mawala na ng tuluyan ang kagwapuhan ko sa paningin mo."
"Hmmm...lets see...siguro...HANGANG TUMANDA KA NA!"
Nakasimangot na humalukipkip si Poseidon. Ang labo din naman kasi ng lalaking to. May anak na kami at lahat, na sabihan niya narin ako ng I love you. Pero hindi parin niya maisip kung ano ang kailangan niyang gawin upang makuha ulit ang loob ko.
Ano ba ang dahilan kung bakit natatakot akong makipagrelasyon sa kaniya? Because there is no assurance that he will not hurt me again. Sige. Sabihin na nating mahal nga namin ang isa't-isa. Na masaya kami. But that doesn't assure me that he will stay.
What I want is a promise, a life long commitment. Something that he cannot give...or refuse to for that matter.
Marriage.
I don't want to make the same mistakes I did. Kung hindi kami mag e-end up together then I want to make sure that if this end, I'll be able to live without him. But there's another option. He can give me that assurance and we will live a happy life. Mahal niya ako at mahal ko siya. But I need to make him stay with me. I don't want to see him running again because he thinks it's the best way for us.
I want to make decisions with him, to fight with him.
Because that's how much I love him.
Thats another reason why I asked for space. Poseidon needs to know about it on his own. He need to grow up.
"Ano ng balita kay Nate?"
"He's recovering fast. Konti lang naman ang malalim na sugat niya at na stitch ko narin ang mga yon kaya hindi na-"
"Wait lang, ayoko ng marinig. Mahina ang puso ko sa ganiyan."
"Ewan ko sayo. Ikaw tong nagtatanong. Anyway...engaged na si warren."
"WHAT?!"
Napahawak ako sa magkabila kong tenga sa lakas ng pagkakasigaw niya. Ipinilig ko ang ulo ko at pagkatapos ay tinignan siya ng masama. Akmang magsasalita na ako pero naunahan na niya ako.
"Kailan pa? Ilang taon na yung babae? Buntis ba? Sigurado kang si warren ang ama?"
Umangt ang kamay ko at binatukan ko siya. "Duh, buntis? Limang taon pa lang si Warren. Anyway bago mo ako ininterrupt gusto ko lang sabihin sayo na humingi ng deal sakin si Sophie at hiningi ang kamay ni warren."
Now that I think of it, parang ganon na nga ang nangyari. Kulang na lang mamanhikan si Sophie para official na talaga.
"Si sophie...wow...okay na okay! Aprub! Kailan sila mag papakasal? Bukas? Pwede na sigurong mamaya."
Mag wo-walk out na sana ako kaso napigilan ako ni Poseidon sa kamay. "Ito naman ang sungit. Anyway, I'm just kidding, bata pa sila kaya next time na lang."
Tumayo na ako. Kanina pa ako nangangawit sa pagkakaupo ko. Idagdag pa ang oras ng binyahe ko. Hindi talaga ako yung klase ng taong okay lang umupo maghapon. I prefer working on my feet. Akmang maglalakad ako papunta kaila Warren ng biglang matalisod na lamang ako.
"Got you."
Na salo ako ni Poseidon bago pa ako tumama sa bench na pinakamalapit ng matapakan ko ang bote ng mineral water na nakakalat sa dadaanan ko. Parang nagkabaligtad lang kami ng pwesto ng maupuan niya ako sa clinic. Ako naman ngayon ang nakakandong sa kaniya.
"Mukang nag kabaliktad na tayo kaya sisingilin ko na ang kiss ko."
"Wag kang magtatangka kundi tutusukin kita ng syringe sa mata."
"Masyado kang bayolente, this might soften you up a little."
It felt like fireworks exploded around us when our lips touched. Lahat ng nararamdaman ko, lahat ng tinatago ko ay bigla na lamang nagdilim hanggang sa tuluyang nawala. Maybe for now. Nang maputol ang halik ay nakangiting mga mata ni Poseidon ang una kong nakita.
Nakangiting nagsalita ito."Better late than never."