EA’s POV Tumutulo ang mga luha ko habang nakatitig sa halos patay na itsura ni Vince. Putok ang kanyang mga labi. Marami siyang pasa sa mukha. Balot ng benda ang buo niyang katawan. Sinemento rin nila ang paa niyang binaril ni Franco. Pati ang kabila niyang paa ay balot ng benda. May mga fractured bones kasi siya roon. Kulang pa. Kulang pa ang pagbaldado nina Tj at Harry sa kanya para mapagbayaran niya ang ginawa niya sa asawa ko. Patawarin ako ng Dyos pero kung sakaling napatay siya ni Tj, matutuwa pa ako. Hinaplos ng nanginginig kong kamay ang ulo niya. Natatakot kasi akong masaktan ko siya kapag idiriin ko ang hawak ko. Ngayon ko lang nakita kung gaano siya ka-vulnerable. Halos lantang gulay na siya ngayon. Kung pwede ko lang akuin ang lahat dahil ako naman ang dahilan ku ng bakit si

