CHAPTER 6 PANAGHOY

1077 Words
ROMAN Dalawang oras na kaming naghihintay dito sa bahay ampunan. Nakisuyo akong ipagdasal ni Tiyo Robert na maligtas ang dalawang bata. Natatakot ako sa mga pangyayari nagaganap ngayon. Kanina lang ay masaya kaming lahat. Kanina lang ay kasakasama ko si Thirdy. Para akong mamatay kakaisip kung ano na ang nangyayari sa kanila. Ano ba ang kasalan ko at nararanasan ko ang ganito? Si Thirdy, ano ang kasalan niya? Naawa din ako kay Silang dahil napakabait din niyang bata para madamay. Ayon sa speculations ng mga imbestigador na kasama namin ngayon na matagal na siguro kaming minamatyagan ng mga kumuha sa anak ko. Sanay sila at talagang nakakuha ng tiempo para maitakas ang mga bata ng di namin namamalayan. Paniguradong tinakot nila ang mga bata kaya napilitang sumama sa kanila. Sa kuha ng CCTV ko lang sila huling nakita. Gusto kong magwala sa sama ng loob. Gusto ko patayin kung sino man ang kumuha sa anak ko. Ilang taon akong nagtiis makasama ko lang si Thirdy at ngayon ay gagawin nila sa akin ito? Wala na bang katapusan ang mga paghihirap ko? Sino ang mag-aakala na sasapitin ko ang ganito. Hindi ko kaya...ngunit kailangan kong magpakatatag upang makapag-isip ng tama. Maghintay lang daw kami ng isang tawag sa loob ng 12 oras dahil ganum naman talaga ang mga taktika ng mga kidnappers. Lalayo at saka magbibigay ng impormasyon sa kailangan nila. Dalawang oras pa lang ang nakalilipas ay para na akong mababaliw sa posibleng mangyari. Paano kung di ko na makuha ang mga bata? Paano kung isa sa kanila ay mapahamak? Napakabait ng anak ko para mawala sa akin. Marami akong pangarap para sa kaniya. Mahaba pa ang dapat naming pagsamahan. Dalangin ko na bigyan ako ng lakas ng loob at huwag mapahamak ang mga bata dahil hindi ko talaga kaya. Tahimik kaming lahat ng mga kasama kong naghihintay. Ang imbistigador mula sa NBI, ang hepe ng pulis,si tiyo Robert na nagdarasal at si Arch Angelo na nasa tabi ko na hindi ako iniwan kahit isang sandali. Nagpapasalamat ako dahil kasama ko siya sa ganitong sitwasyon. Sa kanya lang ako nakuha ng lakas ng loob. Kung wala siya paniguradong mababaliw na ako sa pag-aalala. Nagulat ako ng biglang nag-ring ang aking cellphone na nakapatong sa lamesa na nasa aming harapan. Nakakonekta ito sa isang recorder. Dios ko...Alam nila nag numero ko... Tama ang mga pulis na matagal na nga kaming pinag-aaralan ng mga kidnapper. Sinenyasan ako ng imbestgador. May pinidot muna siya sa recorder bago ko sinagot ang tawag. Isang malaking boses ang ang aking narinig. Gumagamit ng voice changer ang nasa kabilang linya upang di ko sila mabosesan. "Maghanda ka ng 50 million Don Roman kung nais mo pang makitang buhay ang mga bata." Kinalma ko ang aking sarili upang huwag bumigay sa takot. Parang isang demonyo ang kausap ko kanina. Napakasama niyang tao at pati mga inosenteng bata ay ginagamit nila ng ganon-ganon na lang. "Oo! Oo!Magbibigay ako! Huwag ,mo lang sasaktan ang mga bata!" Walang katumbas na halaga ang buhay ng isang tao lalo ang anak. Kahit triple pa ang hilingin nilang kapalit ay ibibigay ko mabawi ko lang sila. "Tatawag ako uli sa iyo para sa karagdagang impormasyon." Saka naputol ang kabilang linya. Maingat ang kidnapper. Mukhang sanay talaga sa mga ganitong kalakaran. Mukhang alam nila na maaring matrace ng NBI ang tawag nila sa akin kung saan man sila naroroon. Kalmado man ako ay may kaba pa rin sa aking dibdib matapos kong marinig ang kidnapper. Napagkasunduan naming magbibigay ako ng halagang hinihingi nila. Agad kong tinawagan ang aking abogado upang siya na ang magdala sa akin ng halagang kailangan bilang ransom. Wala akong maisip kung sino ang maaring gumawa sa main ng ganito. Naging pabaya ako mula ng makuha ko si Thirdy. Nooy bantay sarado siya ng mga body guard sa utos ni Don Juancho. Kung saan man sila pumunta ay hindi nawawala ang mga tuhang nakabantay. Masyado akong naging tiwala sa aking sarili sa pag-aakalang sapat na ako para bantayan siya. Kasalan ko ang lahat. Ito pala ang kaakibat ng pagiging mayaman. Ang samatalahin ka sa iyong karangyaan. Gusto ko ng magising sa bangungot na ito. Ikaapat na oras at muling tumawag ang kidnapper. Gaya kanina ay sineyasan ako ng imbestigador bago sagutin ay muli niyang pindot ang recorder. "Sa may Hi-way sa hiwalay na ladas ka magpunta. Ibagsak mo sa gitna ang pera na nakalagay sa isang garbage bag.Huwag ka ring magsasama ng pulis na bugoy. Alas 2 ng madaling araw. Tatawag ako muli para sa karagdagang impormasyon." Muling naputol ang linya. Kahit papaano ay nakahinga ako ng pag-asa. Kahit papaano nakakayanan ko ng makapag-isip ng maayos. Kinausap ko ang imbestigador na huwag magpadalosdalos. Hihintayin pa namin ang isa pang tawag mula sa kanila. Nakalipas ang ilang oras at dumating si Attorney Salve. Siya ang abogado ni Papa Iñego na naglingkod na sa akin ngayon. Mapagkakatiwalaan ko siya dahil naging matapat siyang kaibigan ng matandang Iñego noong nabubuhay pa ito. Naihanda na namin ang lahat. Pinulong kami ng imbestigador dahil may nakuha silang impormasyon mula sa aking pakiipag-usap sa kidnapper. May napasamang tunog mula sa narecord na tila galing sa isang barko. Konklusyon na nila na nasa isang pantalan ng barko ang mga kidnapper at naroon ang mga bata. Ayaw ko sanang pangunahan nila ang kagustuhan ng mga kumuha sa mga bata. Subalit natakot ako na 99% na kaso ng kidnapping ay hindi na nababawi ng buhay ang biktima. Ayaw kong isugal ang buhay ng mga bata sa kausap kong demonyo kaya pumayag ako sa kagustuhan ng alagad ng batas. May maliit na daungan ng barkong roro dito sa lugar nina tiyo at posibleng doon nagkukuta ang mga kidnapper. Mahaba pa ang oras na ibinigay sa akin para sa hinihinging ransom kayat may pagkakataon pa kaming malaman ang lugar ng kanilang pinagtataguan. Agad kaming nagtungo sa daungan. Sigurado ang imbistigador. Alam niya ang lugar. Maging ang mga istraktura dito. Hindi na kami nag-akasya ng panahon. Kasama ng mga NBI ay natungo kami sa pantalan. Madali naming napuntahan ang lugar. Naway walang masamang mangyari samain lahat lalo na kay Thirdy at Silang. Niyakap ako ni Arch Angelo at binulungan. "Everything will be allright. Mababawi din natin ang mga bata." Sana nga na maging maayos ang lahat. Gusto ko na siyang makita. "Dios ko, Ingatan mo po ang mga bata. Sa iyo ko ipagkakatiwala na muling maibalik sa aming ang dalawa." Taimtim kong dasal dahil ito na lang ang alam kong kaya kong gawin. ***** Maging maayos kaya ang lahat sa kabila ng mga pangyayaring ito? Mamumuhi kayo panigurado sa susunod na Chapter. ABANGAN!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD