"Tiya bakit po ikaw na lang ang kasama ko? Bakit po hindi ko na nakakasama ang mga magulang ko?" Inosenteng tanong ng batang si Cypher kay Celing habang nakaupo sila sa upuan sa ilalim ng puno ng mangga. Isang linggo na noon, mula ng ihatid sa huling hantungan ang mga magulang ni Cypher. Dalaga pa noong panahon na iyon si Celing, at sila na lang dalawa ang magkasama. "Ganoon talaga Cypher. Hindi natin masasabi ang takbo ng buhay. Hindi ka ba, masaya na nandito ako sa tabi mo? Pwede mo naman akong ituring na parang magulang mo na rin. Ako ang mag-aalalaga sa iyo at mamahalin kita na parang tunay na anak." Wika ng kanyang tiya sa kanya kaya niyakap niya ito ng mahigpit. "Salamat po tiya. Mahal na mahal kita." Mahirap man ang buhay ay hindi iniwan ni Celing si Cypher. Kaya ng magpunta it

