Chapter 6

1398 Words
Leslie Alegria Pov. Sakay ng tricycle ngayong umaga, tinayahak namin ang daan na hindi patag patungong mansyon ng mga del Vega. Alas otso pasado na at ngayon lamang ako buma-biyahe. Paano ba naman, halos punuin na ako ng sermon ni inang dahil sa nawawala niyang pera. Hinayaan na ngang kunin nila ang ipon ko para wala ng usapan. Pero hindi pa rin siya tumitigil dahil pinipilit ko'ng hindi ko kinuha ang pera niya. Iyon naman ang totoo, kahit magutom na ako. Hindi ako magnanakaw ng pera. Alam ko iyon sa sarili ko dahil noon pa man ay sanay na akong naghihirap. "Isang daan." iyon ang sagot ng tricycle driver matapos ko'ng itanong kung magkano ang pamasahe. Meron naman na akong pera dito dahil pasikreto akong inabutan ng pera ni amang kanina upang gamitin patungon dito. Hinugot ko ang dalawang daan sa aking bulsa upang kunin ang isang daan. Nasa bungad na kami ng gate kung saan sinasalubong kami ng malakas na hangin na nagmumula sa malaking puno ng acacia. Maraming matatayog na puno dito sa mansyon, mataas ang lugar nila at ang pwesto ng kanilang haciena ay medyo may kalayuan pa dito. Hindi ko alam kung ilang minuto ba upang makarating doon, ang alam ko lang ay malayo pa ang hacienda dito kung saan naroon ang kanilang pananim at mga alagang hayop. "Nasa loob po ba si senyora flora?" ngumiti ako sa guard matapos ko'ng itanong iyon. Pinagbuksan nila ako dahil nakilala ako ng isang lalake. "Wala pa si senyora flora, may inaasikaso lang ito sa bayan ngunit babalik din ito maya-maya." Napanguso ako bago tumango. "Ganoon po ba, i-aabot ko lang po sana ang mga dala ko." Kinuha nila ang dala ko'ng envelop sabay tingin ng nilalaman nito. Tumango sila at agaran akong iginaya papasok. "Maghintay na lamang kayo sa sala, maam. Nariyan sila mayordoma Rosa." Tumango ako bago ngumiti. "Salamat po." lumisan na nga sila matapos nila akong maiwan sa malaking sala. Ito na ang pangalawang beses na makatapak ako sa mansyon nila. Tila ba ngayon lamang nag-sink in lahat sakin habang nililibot ko ang tingin. Nakatayo pa rin ako sa gilid habang pinagmamasdan ang malaking chandelier na nasa itaas. Natatanaw ko rin ang mahabang daan na animoy salamin kung titingnan mo dahil sa kintab. Napakalinis ng buong paligid at para ba'ng handa akong manilbihan dito ng libre, nakatutuwa lamang dahil nabigyan ako ng pagkakataon na makatapak muli dito. Habang naghihintay sa pagdating ni senyora flora. Inilibot ko saglit ang sarili sa maalwalas na sala upang tingnan ang ilang display ng bahay. Nahinto ako sa kaliwang bahagi kung saan tinitingala ko ang malaking frame ng mag-asawang del Vega. Sa kabilang frame naman ay naroon ang limang magpipinsan na del Vega na kung titingnan mo ay iisa lamang ang kanilang itsura. Ngunit tila ba naiiba ang awra ni akhiro, ang makakapal niyang kilay ay nagbibigay sungit sa kanyang mukha. Ang ilong nito ay para ba'ng sinadya ng husto dahilan upang mas lalo siyang gumandang lalake. Natawa ako sabay iling sa naisip, ano ba'ng ginagawa mo leslie? Narito ka para ipasa ang requirements mo at hindi puruhin ang lalakeng hinila ka palabas ng silid kahapon. "Tsk, ang sungit." iyon ang naging bulong ko bago humarap sa iba pang bagay. Ngunit pagharap ko, para ba akong tinakasan ng bait dahil sa bumungad sakin. Naroon na kasi si akhiro habang nakapa-mulsa at nakatingin ng tamad sakin. "What are you doing here again?" yumuko ako at hindi nagsalita, para ba'ng nahiya ako bigla dahil mas gwapo siya sa personal kesa doon sa larawan niyang kay supladong tingnan. "Pipi ka ba o bingi?" nag-angat ako ng tingin ngunit hindi rin nakapag-salita dahil napako lang ang aking tingin sa gwapo niyang mukha. Dahil doon sa nangyari, napairap lang siya sabay lagpas sa kinatatayuan ko. Hindi ko man lang nasagot ang tanong niya dahil napi-pipi ako sa tuwing kinakausap niya ako. Ano ba'ng nangyayari sakin. "Leslie, narito ka na pala. Bakit hindi mo ako tinawag?" ngumiti ako kay ginang rosa na isang mayordoma ng mansyon. Siya ang ginang na nakausap ko kahapon noong magising ako mula sa magarang silid. "Hinihintay ko po'ng dumating si senyora flora." Tumango siyang nakangiti bago nito ako igaya patungo sa loob kung nasaan ang dining. "Maupo ka muna riyan, nasa pulisya sila senyora dahil pina-iimbistigahan nila ang nangyari kay señorito akhiro kahapon." tumango ako sa sinabi niyang iyon habang nakaupo na. Nagpa-alam din ito saglit na ikukuha niya ako ng maiinom bago mo makitang pumasok si akhiro upang maupo sa harapan ko. Marami na namang pagkain na nasa aking harap ngunit ang paningin ko ay nasa kanya na tila ba nahagip nito ang paninitig ko. "Hindi ka mabubusog kung titingnan mo lang ako." napakurap ako sabay iwas ng tingin. Humigpit din ang hawak ko sa aking envelop bago marahang lunukin ang kahihiyan. "Kung hindi ka kakain, umalis ka na." Nais ko sana siyang samaan ng tingin ngunit baka tumalsik lang ako kung siya ang titingin sa akin ng masama. Dahil hindi rin naman ako nakapag-almusal kanina sa bahay dahil nabusog na sa sermon ni inang, kumuha na ako ng aking makakain dahil kung hindi daw ako kakain ay maaari na akong umalis, hindi ba ang sungit. Para bang hindi ko siya tinulungan kahapon eh. Kung sa bagay, panigurado lang na hindi niya iyon alam dahil masakit na ang kanyang nararamdaman dahil sa mga natamong bugbog. Medyo kita ko pa rin ang mga pasa niya sa mukha ngayon, at nasisiguro ko na meron din siya sa kanyang katawan. "Are you here to have work?" hindi ako nakasagot muli sa tanong niyang iyon. Pansin ko rin na panay ingles siya kung magsalita, siguro ay sanay ito sa wikang ingles. "You can clean my room after you finish your food." Napamaang ako sa utos niyang iyon bago siya tumingin sakin. "Did you hear me?" Tumango ako. "Oo, narinig ko." nangunot ang noo niya ng tuluyan akong magsalita, para ba'ng natigilan siya panandalian bago mag-iwas ng tingin. "Can you speak again." aniyang utos na siyang nagpapatitig muli sa kanya. Ngunit maka-ilang segundo lang din ng umismid siya sabay tayo. "Nevermind." iyon pa ang huling narinig ko bago siya tuluyang mawala sa aking paningin. Ngunit dahil may utos nga siya sa akin, willing naman akong sundin iyon habang naghihintay kay senyora flora. Matapos ko'ng kumain, nasabi ko kay ginang rosa na nais ni akhiro na linisin ko ang kanyang silid. Tinanong sa akin ni ginang rosa kung marunong ba ako sa gawaing bahay dahil napaka-bata ko pa. "Sanay po ako sa trabaho, aling rosa. Marunong po ako lahat sa gawaing bahay." tumango siya, nakangiti sa sinabi ko bago niya ako igaya sa silid ni akhiro. Wala siya doon ngunit makikita mong maraming kalat ang nasa kama niya at sahig, lalo na doon sa mesa niyang malapit sa bintana. "Ngayon lang siya umuwi pero ang kalat na ng kwarto." naibulong iyon ni aling rosa habang pinupulot ang ilang nagkalat na papel. Ngunit natigilan din ito dahil mula sa kwarto ay naririnig namin ang pagtunog ng isang telepono. "Sasagutin ko lang ang tawag, maiwan na muna kita rito." Tumango ako bilang sagot, kinuha ko na rin ang maliit na basket upang ilagay doon ang papel na nagkalat sa silid ni akhiro. Ngunit mas marami doon sa ilalim ng lamesa niya na tila ba nilulukot niya iyon sa tuwing nagkakamali siya sa kanyang ginagawa. Dahil nga lumapit ako sa mesa nito, doon ko na nga nakita ang magandang drawing na tila ba hindi matapos-tapos. Isa iyong magandang mansyon, may pinapaligiran itong magagandang halaman na sa tingin ko'y gawa ni akhiro. May mga ilang drawing din ito na isang sketch lamang ng bahay, halos ganoon ang nakikita ko sa mga sketch pad na sa tingin ko'y may koneksyon sa kurso niya. "Isa ba siyang architect?" wala sa sariling naitanong ko iyon bago ko sana tingnan ang mga nasa ilalim pa. Ngunit may kumuha na doon dahilan upang lumayo ako sa mesa. "Im not an architect." aniyang anas sa naiiritang tinig. Tila ba galit dahil pinakiki-alam ko ang mga drawing niya. "P-pasensya na..." mahina lamang ang tinig ko matapos ko'ng humingi ng dispensa. Hindi na rin naman siya nagsalita pa bagkus naupo lang ito ng walang tingin-tingin sa akin. Dahil doon, napabuntong hininga ako at muli ko na lamang pinagpatuloy ang paglilinis upang kung sakaling dumating na si senyora, tapos na ako sa kanyang silid. ******** to be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD