Chapter 14

1298 Words
Leslie Alegria Pov. Wala pa rin akong imik hangga sa marating namin ang mahanging burol. Naiwan na ang sasakyan ni akhiro sa ibaba dahil medyo pataas ang lugar na pinuntahan namin. Pinagtulungan na naming dalhin ang pagkain at hindi ko akalain na tutulungan niya ako. Iyon pa naman ang iniisip ko kanina habang nagbi-biyahe kami patungo dito. May dala din siyang malaking paperbag. Nakayanan niyang dalhin ang malalaking plastic bag at paperbag gamit ang dalawa niyang kamay. Maliliit na plastic bag lang kasi ang hawak ko kung saan nakapaloob doon ang mga mamon at ilang prutas.   "Madalas ka palang pumunta noon dito?" naitanong ko iyon kay akhiro matapos naming mailapag ang mga dala namin. Medyo mainit na dahil natitiyak ko'ng pasado alas nuebe na rin, ngunit hindi ako nakatanggap ng sagot sa kanya. Tumango lang ito kung saan naupo siya habang dinadama ang malakas na hangin. May puno rin naman kasi sa kinaroroonan namin. Mainit man ang sikat ng araw, malakas naman na ang hangin kaya't medyo guminhawa ang pakiramdam ko. Natatandaan ko pa noon na naglalaro kami ni glenda dito. Mga bata pa lang kami noon, wala pang iniisip na problema at bukod tanging paglalaro lamang ang inaatupag. Siguro ay ganoon naman talaga ang buhay bata, naiisip ko nga na parang ang sarap na lang maging bata habang buhay. Iyong sa maliit na galos ka lang iiyak dahil nadapa ka. Ngunit naroon naman si ina noon upang halikan ang nasugatan ko'ng tuhod. "Bakit?" bumalik ako sa reyalidad ng tanungin ako ni akhiro. Nakatulala na pala ako kung saan hindi ko namalayang naluha ako dahil naalala ko si nanay. "W-wala." pilit akong nangiti kasabay ng pagpunas sa aking luha. "Napuling lang ako, lakas kasi ng hangin." "May naalala ka ba sa lugar na 'to?" pinagmamasdan ko ang magandang paligid matapos kong tumango. May naaalala akong batang lalake noon, hindi ko alam kung paano iyon nakakarating dito ngunit madalas siya kung sunduin ng mga kalalakihan. Ang pagkaka-alam ko ay tumatakas siya dahil naiinip daw siya sa bahay. Hindi ko na iyon nakita dahil simula ng naghiwalay sila nanay at amang. Ito na lang muli ang pagkakataon na makapunta ako dito. "W-wala naman." iyon ang siyang naisagot ko kay akhiro dahil hindi ko na nais pang ibahagi kung ano ang nasa isip ko. Basta ang alam ko, masayahin ang batang iyon. Nakuhanan pa nga kami ng litrato noon ngunit hindi ko nga lang alam kung nasa kanya pa iyon. "This is my second time again to visit here again, pero madalas ako noon dito." hindi ako sumagot sa kanya. Madalas ay mabait siya pag kami lang, pero pag may kasama na kami, nag-uumpisa na siya kung mag-sungit. Aakalain mo na lamang na may nagawa kang mali kahit wala naman. Sa madaling salita, topakin siya. "Dinarayo din ang burol nito, ngunit dahil summer ngayon. Walang gaanong pumupunta, ngunit tiyak na dadagsa ang mga tao dito sa buwan ng ber." hindi man lang siya nagbigay tugon sa sinabi ko. Diretso lang ang tingin nito, para bang kay lalim muli ng iniisip niya. "Papasok ka na ba sa lunes?" muli ay panibagong topic na naman ang sinabi niya. Para ba'ng hindi ito mapalagay sa isang usapan dahil nais niya ng bagong pag-uusapan muli. "Kailangan na eh, baka mahuli na ako sa klase." Tumango siya, hindi na muling nagbigay kibo bago nito kunin ang malaking paperbag na nasa gilid niya. Inabot niya iyon sa aki ng walang tingin, hindi ko tuloy alam kung kukunin ko ba iyon o titingnan lang. "A-anong gagawin ko diyan?" "Itapon mo." napapakurap ako sa muling kasungitan niya, grabe naman ang lalakeng ito. "Ofcourse im giving it for you, just accept it." "Pwede mo naman kasing sabihin na, leslie para sayo." kumibot pa ang labi ko ngunit kunot lang ang noo nito sa sinabi ko. Mahirap bang sabihin iyon? Mas hahaba pa ang buhok ko kung iyon ang maririnig ko. "T-teka lang, a-anong gagawin ko sa mga school supplies na 'to?" "Kapalit iyan ng pagtulong mo sakin noon, and besided. I know you don't have things to use this monday, kaya binilhan na kita." hindi ako nakasagot sa sinabi niyang iyon. Para bang may insektong gumagapang sa likuran ko kung saan patungo sa ibabaw ng batok ko. Kinikiliti nila ako doon hangga sa mapangiti ako ng tuluyan. "Salamat..." hindi ko talaga mapigilang ngumiti dahil sa ginawang ito ni akhiro. Inamoy ko pa ang handle ng paperbag bago tingnan muli ang loob nito. Kumpleto na iyon, may bag din sa loob na kasya sa malaking paperbag na hawak ko. "Just tell me if what you need next time, may sapatos ka ba?" Tumango ako kahit na ang totoo ay wala naman. Nahihiya kasi ako kung sasabihin ko'ng wala. "M-meron ako, sa bahay." "Totoo?" nilingon ako nito, salubong ang kilay. "That university is not just a campus, maraming studyante doon na matapobre. Alam mo ang ibig sabigin ko, leslie." Marahang napalunok ako ng banggitin nito ang pangalan ko. Alam ko naman na maraming nag-aaral na mayaman doon, hindi ko nga lang sigurado ang pag-uugali nila dahil hindi ko pa nasubukang pumasok doon ni minsan. "Sabihin mo lahat ng kailangan mo, bibilhin ko. That's my mom order." bahagya akong napanguso dahil sa huling sinabi niya. Kung ganon pala, utos lang lahat ni senyora ito at hindi niya kusang ginawa? Parang bigla tuloy binawi ang kaligayahan ko sa puso. Teka anong puso leslie? Bakit mo sinasabi iyan, mali 'yon. "We're going to eat here and relax, bago ka mag-aral.." tumango na lamang ako, hindi na ako umaasa na siya rin ang nagsabi 'non. Baka sabihin rin niya sa huli na utos ng senyora na mag-relax kami. Makaraan nga ng tatlong oras, hindi na rin kami nagtagal doon dahil wala na din naman kaming mapag-usapan. Atsaka para na rin mapapanis ang laway ko dahil sa kasama ko. Para lang kasi siyang robot kung kausap, magtatanong tas pag sinagot mo hindi na magsasalita. Iyong tipong, isang tanong isang sagot ka lang. "Do you have a service on monday?" muli ay tumango ako sa tanong niyang iyon, kahit hindi ako sigurado kung may pang-pamasahe ba ako araw-araw o maglalakad lang ako. Hindi na siya nagtanong pang muli matapos kong tumango. Sakay na kami ng kotse at tinatahak na namin ang patag na lugar. Ngunit nagtaka ako ng lumihis ito at sa ibang daan iniliko ang kotse niya. "May dadaanan ka pa ba?" hindi siya sumagot sa tanong ko. Seryoso lang siya kung saan nakatuon lang ang paningin nito sa dinadaanan namin. "Saan ang daan patungo sa inyo?" napakurap ako dalawang beses sa tanong niya. Ilang segundo pa ang lumipas ng hindi ako makasagot kaya't nilingon ako nito. "Tinatanong kita." "H-hindi mo naman ako kailangan ihatid, akhiro. Kaya ko." "Kaya mong maglakad?" huminto ang kotseng sinasakyan namin matapos niyang itanong iyon. Hindi ko naman sinabing maglalakad ako, kaya ko naman mamasahe. "H-hindi ko k-kayang l-lakarin 'yon.." "Then answer me, where is your place?" napabuntong hininga na lamang ako bago tuluyang ituro ang daan pauwi sa amin. Hindi nagtagal ang biyahe namin dahil nga nakakotse kami. Hindi ko rin sinabi ang eksaktong bahay namin dahil pinahinto ko lang ang kotse nito sa malayo pang pwesto. "Nasan ang bahay niyo dito?" hindi ko alam kung sasabihin ko ba iyon o hindi, ngunit itinuro ko na lang ang harapan kung saan pinakatitigan niya iyon bago siya tumango. "Dalhin mo na lahat ng pagkain, ayokong umaangal ka sa utos ko." wala pa man akong nasasabi ay iyon na ang pasya niya. Parang wala na lamang mapagtalunan, sinunod ko na lamang ang nais nito bago ako tuluyang lumabas ng kotse. Pinanood ko na rin ang pag-alis niya habang nakatingin lahat sa akin ang aming kapit-bahay At ang masasabi ko lang para sa sarili ko. Goodluck sa chismis. ******** to be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD