Worth it naman ang lahat ng pinaghirapan ng Angel's Club. Nag-organize sila ng Christmas party para sa mga bata sa mga orphanage na tinutulungan nila. Nag-christmas caroling din sila para makaipon ng funds. At ginamit nila ang mga naipon nila para mamigay ng Noche Buena package para sa mamahirap na pamilya sa mga squatters area na pinuntahan nila. In return, kinantahan sila ng mga bata sa orphanage ng Christmas songs. At 'yung iba binigyan sila ng Christmas cards na ang mga bata mismo ang gumawa. "Overwhelming ang feeling, no?" bakas sa mukha ang sayang sabi ni Louise. "Sobra. Ang sarap sa pakiramdam na marami tayong taong napasaya," Si Anna. "Super worth it ang Christmas natin," nakangiti rin na sabi ni Maricar. "Best Christmas ever ito mga, 'Te!" sabi naman ni Mimi. "Tiri

