"Bakit kailangan kong mag-suffer para lang sumaya ka?" Nakasubsob sa mesa na reklamo ni Zoe. "Okay lang yan, 'Te. Ipagluluto naman kita mamaya, eh," masaya ng sabi ni Louise. "Para kang pinagsakluban ng langit at lupa, Ate Zoe!" hindi mapigilang matawa ni Mimi sa itsura nito. "Oo nga. Makikipag-date ka lang naman kay Marion, no!" sabi naman ni Maricar. "Kaso mortal enemy niya 'yon 'di ba?" Anna. "Siya lang naman ang nang-aaway, eh," Louise said, reffering to Zoe. "Tama! Swerte mo nga, 'Te. Ang gwapo ng date mo. Maraming nagkakandarapa ro'n 'di ba?" Mimi. "What ever, Mimi! Tawagan mo na nga 'yung James na 'yon. Sabihin mo humanda siya sa akin pagbalik niya!" inis na sabi ni Zoe. "Asus! Chocolate lang katapat mo, eh. Mamaya ko na siya tatawagan pag-uwi ko. Atleast ngayon alam ko

