Halos mapatalon ang puso ni Loiuse pagkarinig sa pamilyar na boses na iyon. "James!" Humarap siya dito at naiiyak na niyakap ito ng mahigpit. Yes, it's James at nakabalik na siya from States. Actually kahapon pa siya dumating. At alam na rin ng mga kaibigan nila pero hindi nila sinabi kay Louise para masorpresa ito. "Miss me?" Niyakap rin nito ng mahigpit ang girlfriend. "Sobra!" umiiyak na sagot ni Louise. "Hey! 'Wag kang umiyak. Sige ka masisira ang make up mo." Pinunasan nito ng palad ang luha ni Louise. "Kailan ka pa nakabalik?" tanong dito ng dalaga. "Kahapon pa sinadya ko lang na 'wag ipaalam sayo para masorpresa ka ngayon," pigil ang tawang sagot ni James. "Ang bad mo!" Hinampas ito ni Louise ng mahina sa dibdib. "So, sayaw na tayo?" tanong ulit ni James. "Naman! K

