Nagsimula na nga sa panliligaw niya kay Louise si James. Kaya naman marami ang inggit kay Louise. Sabay silang kumain sa cafeteria, kapag naunang mag-break si Louise sa mga kaibigan niya. Minsan hinahatid-sundo siya ni James sa pagpasok at pag-uwi. He continue giving Louise flowers and some of his dishes na bagay sa diet nito. Okay na nga sana kaso hindi talaga mawawalan ng kontrabida sa paligid. "Ano kayang pinakain niya kay James, no? Sa lahat ng pwedeng magustuhan, bakit 'yung matabang 'yon pa?" sabi ng babae habang nag-a-apply ng foundation sa mukha. "Oo nga, eh. Pwede namang ako nalang," sabi naman ng isa pa na naglalagay ng lipstick sa labi. "Baka nga kasi ginayuma niya si James," naka-ismid na sabi ng isa pang babae. "Well, sana lang matauhan agad si James," dagdag pa n

