CECIL Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto. Hindi agad ako bumangon dahil feeling ko ay kulang na kulang pa ang tulog ko! Kunot noong kinapa ko ang phone ko at nakitang alas sais pa lang ng umaga! Alas syete ang naka-set sa alarm ko ngayon kaya may isang oras pa sana ako para matulog! Mariing napamura ako. “Shìt! Who the hell is knocking at my door this early?” Gigil na bulalas ko dahil hindi tumitigil ang kung sinong kumakatok sa pinto! “Sandali lang!” Inis na bulalas ko bago bumangon at bumaba sa kama. Nakasimangot na binuksan ko ang pinto at agad na natigilan nang makita si Jonas sa harapan ko! Naka topless na naman siya pero halatang kakagising lang! Masyado akong nabigla pagkakita sa kanya kaya sinarado ko ulit ang pinto at saka kagat ang ibabang labi na sumand

