CECIL “Are you sure you are not feeling anything unusual, Cecil?” Nag angat ako ng tingin kay Orla nang tabihan niya ako dito sa balcony ng kwarto namin ni Jonas dito sa Cordova Farm Hills. Dito ang venue ng kasal namin bukas kaya ngayon pa lang ay nandito na kami para makapag relax bago ang kasal. Kanina ay sinilip ko ang indoor pavilion dito sa Farm Hills kung saan kami ikakasal at wala akong masabi sa ganda ng ayos mula sa lobby, sa tunnel papasok sa pavilion kung saan ako maglalakad at lalabas papunta kay Jonas. Sobra pa sa inaasahan ko ang ganda ng lugar kaya naeexcite akong ikasal! “Wala pa naman akong nararamdaman. Baka hindi pa kami nakakabuo?” Natatawang sambit ko. Sa totoo lang ay wala talaga akong nararamdamang pagbabago sa katawan ko kaya hindi ko naiisip na baka buntis na

