CECIL “Cecil–” “What?” Tumigil ako sa paglalakad dahil hinawakan ni Jonas ang braso ko. Kunot noong hinarap ko siya. “Mom was looking for me. Ang sabi niya hinahanap daw ako ni Ate Issa dahil nabanggit niya na nakabalik na ako dito sa Pilipinas–” “Seriously, Jo? Imposible na hindi mo alam na may gusto yung babaeng yon sayo?” Inis na tanong ko. Bata pa lang kami ay madalas na si Ate Issa sa bahay nila dahil barkada siya ni Kuya Apollo! “Wala naman akong sinabi na hindi ko alam na may gusto siya sa akin, Cecil. Pero wala naman akong ginagawa–” “Bakit ka nakikipag usap?” Nakataas ang kilay na tanong ko. “She was asking about Kuya Apollo’s bride, Cecil. Wala raw siyang kaalam-alam na may girlfriend si kuya–” “Bakit kailangang updated siya? Sino ba siya para i-update ni Kuya Apollo sa

