CECIL “Help me carry Jonas first, Orla! Nakakahiya sa mga dadaan dito!” Tumango naman si Orla at saka sabay kaming lumapit kay Jonas. Tuluyang nakatulog na siya dahil sa ginawang paghiga dito sa hallway! “Where’s your room?” tanong ni Orla. Tinuro ko ang kwarto na katapat ng kwarto nila kaya tumango si Orla at saka hinawakan ang isang braso ni Jonas pero agad na sumuko! “Ang bigat, Cecil! Let’s just ask for help na lang kaya? Si Kross kasi pinahatid ko lang sa mga barkada niya,” sambit niya. Bumuntonghininga ako at saka umiling sa kanya. “Nakakahiya kasi kung magtatawag pa tayo ng bubuhat kay Jonas. Tulungan mo na lang ako. Kaya natin ‘to,” sambit ko at saka yumuko at hinawakan ang braso ni Jonas. “Are you sure you’re gonna sleep with him?” Alanganing tanong ni Orla. Natigilan ako at

