CECIL Nang nakaalis ang parents ni Jonas ay tahimik kaming bumalik sa kwarto niya mag-usap tungkol sa sinabi ng Mommy niya. Sa totoo lang ay hindi ko nagustuhan ang idea na isama si Orla sa lakad namin pero mukhang wala na ring magagawa si Jonas kaya kitang-kita ko ang unti-unting pagbabago ng mood niya. Kapag pa naman nagalit siya ay kung ano-ano ang naiisipan niyang gawin! “I’m sorry, Cecil. I will talk to my Mom again–” Bumuntonghininga ako at saka pinigilan siya sa gagawing pagtayo. Ayaw ko na dahil lang dito ay magkaroon pa sila ng hindi pagkakaunawaan ng Mommy niya. “To be honest, it’s not really fine with me that Orla is coming with us in Romblon,” simula ko at saka marahang pinisil ang braso niya na hawak ko. “But I don’t want you to be upset with your Mom, Jonas. Besides, kung

