CECIL Hindi ko alam kung ilang beses na akong nag-stretch ng kanang braso simula pa kaninang dumating ako dito sa opisina namin sa Mijares Trine. Hindi na kailangan ang madalas na site visit dahil patapos na ang kasalukuyang project na ginagawa namin. Kaya lang ay dumating doon ang contractor at may mga gusto pang ipahabol na ipagawa ang kliyente kaya pumunta ako para kausapin siya. Tumigil ako sa ginagawang report at saka sumandal muna sa office chair para saglit na magpahinga. Kahapon pa masakit ang balikat ko dahil sa ginawa kong paglilipat ng mga gamit sa bagong apartment na nilipatan ko. Habang nag-aaral ako hanggang sa nagrereview na ako para sa board exams ay sa corporate house ng mga Mijares ako nakatira. Noong nakaraang taon ay itinayo itong Mijares Trine kaya dito naman ako lu

