CECIL Kanina pa sulyap nang sulyap si Jonas sa akin habang papunta kami sa Caphe Cup. Hirap na hirap na naman tuloy akong pigilan ang ngiti ko dahil madalas niya ring hinahawakan ang lips niya at kahit hindi ako magtanong ay alam kong dahil yon sa ginawa kong paghalik sa kanya sa hotel! Shìt, Cecil! Bakit ba kasi padalos dalos ka? Paano kung magtanong siya kung bakit mo siya hinalikan? Alangan namang sabihin mong hinalikan mo siya dahil mahal mo rin siya? Umayos ako ng upo at mas pinakalma pa ang sarili. The day after tomorrow is his birthday. Balak kong sagutin siya sa birthday niya kaya dapat ay umiwas ako sa mga tanong niya kung sakaling magtatanong man siya! Pagdating namin sa Caphe Cup ay tahimik ako at nakikiramdam lang kay Jonas. Nang magsabi siya sa staff ng order namin ay tumi

