CECIL Malakas na malakas ang kabog ng dibdib ko habang nakasakay sa taxi pauwi sa bahay. Sa totoo lang ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Para akong nakalutang dahil sa halik ni Jonas pero para naman akong mababaliw kapag naaalala ko ang mga sinabi niya sa akin kanina! “I am now breaking the ‘No kissing’ rule. I guess we are not just friends anymore…” Napasinghap ako at parang lumaki ang ulo dahil sa kilabot na nararamdaman. “Aahhhh!!!” Malakas na napatili ako habang salo-salo ang sariling mukha. Gulat na gulat ako nang biglang nag preno ang taxi na sinasakyan ko pero wala akong pakialam dahil mas importante ang malaman ko kung bakit ako hinalikan ni Jonas! “Anong ibig sabihin no’n?!” Wala sa sariling bulalas ko. Litong-lito talaga ako sa mga nangyari kanina. Sobran

