CECIL Ngayong linggo na ang final examinations para sa huling semester ng first year. Unang taon ko pa lang sa college pero parang ubos na ubos na ang braincells ko! Hindi naman kasi biro ang course na kinuha ko kaya hindi naman ako nag expect na magiging madali ang lahat. Mabuti na lang talaga ay parating naka alalay sa akin si Jonas kaya kahit na mahirap ang course na Civil Engineering ay mukhang kaya ko namang makapasa sa unang taon! “Kaya pa?” Nag-angat ako ng tingin nang lumapit dito sa pwesto ko si Jonas. Nasa pangalawang araw na kami ng exams at Calculus 2 ang pinakahuling exams sa araw na ito kaya kabadong-kabado ako. Exempted si Jonas sa exams para sa subject na ito dahil champion silang dalawa ni Kross sa contest! Ngumuso ako at nagpapaawa na napatingin sa kanya. Pabirong ina

