JONAS The dean called me this morning and informed me that we will have a meeting regarding the upcoming contest. Sinabihan niya rin ako na puntahan ang mga kasama ko kaya nandito ako ngayon sa block ng mga Accountancy students. “Ganda talaga ni Orla. Isama mo kaya kami minsan sa bahay nila, pare?” Lumabas sa classroom nila Kross ang tatlong lalaki at siya ang pang apat. “Katabi lang naman ng subdivision namin. Uminom tayo sa bahay pagkatapos.” “Nakapasok ka na sa kwarto niya, Kross?” “Kilala naman ng kuya ko yung kuya ni Orla. Yayain kaya natin na mag-basketball para makapunta tayo sa bahay nila?” Kumunot ang noo ko nang hindi sinasadyang mapakinggan ang usapan nilang apat. Nakagitna sa kanilang apat si Kross at halatang si Orla Salvatierra ang topic nila. “Kung alam n’yo lang kun

