Ang Lambot ng Lips

1935 Words
CECIL Cambria: Paano kang nakakapag text, Ces? Bawal ang phone dyan sa detention room ‘di ba? Binaba ko ang yosi na kakasindi ko lang at agad na nagtype ng reply para sa kaibigan kong si Cam. Isang subject lang ngayong hapon ang napasukan ko dahil dinala ako sa student council at tinanong kung ako ang naglagay ng tuta sa library sa main building. Ang library sa main building ang pinakamalaking library dito sa Wesley University kaya doon ang may pinakamaraming estudyante na nagpupunta para makipag date–este mag-aral. Me: ‘Wag mo nang alamin kung paano akong nakakatext sayo ngayon, Cam. Nakabalik na ba si Jonas? Nang ma-send ko ang reply ko kay Cam ay binaba ko sa kandungan ko ang maliit at old model ng phone na sa sobrang liit ng mga keypad ay kayang-kaya kong itago sa kahit saan. This phone is very useful to me. Lalo na kapag ginagamit ko itong panghuli sa mga babaeng nililigawan ni Jonas. Ilang babae na ang bumagsak sa flirt check dahil magaling akong manghuli. Syempre ay gawain ko rin ang makipag flirt sa text kahit na may boyfriend ako kaya alam na alam ko kung paanong huhulihin ang mga babaeng kagaya ko. Pinulot ko ang yosi pero namatay na ang sindi kaya kunot ang noo na napamura ako. Hindi ko pwedeng sabihin kay Cam na may ginagamit akong ibang phone. Sobrang dali pa naman niyang mapaamin lalo na kung si Jonas ang magtatanong kaya hindi safe ang sikreto ko kay Cam. Mahal ko siya at totoong kaibigan ang turing ko sa kanya pero hindi ko siya pwedeng sabihan ng mga sikreto. Not because I don’t trust her, it’s because she’s fragile and gullible. Madali siyang bumigay at malambot ang puso lalo na kapag gwapo ang lalaki. “Catch…” Nawala ang tingin ko sa phone na hawak ko at hinanap ang lalaking nagsalita. Kumunot ang noo ko nang hindi ko mahanap agad kung nasaan siya. Medyo kanina pa ako dito sa detention room at akala ko ay nag-iisa ko lang. I didn’t realize that I wasn’t alone here! Pero kahit na halos mapasadahan ko na ng tingin ang buong kwarto ay wala pa rin akong nakita na ibang tao dito bukod sa akin. “Are you a ghost?” Hindi na nakatiis na tanong ko. Hindi naman ako naniniwala sa mga multo pero hindi ko rin naman masabi na hindi iyon totoo. Hindi rin ako puyat kagabi dahil hindi nakipag sēx on phone ang latest boyfriend ko, kaya malabong isipin ko na dala lang ng puyat kaya kung anu-ano ang naririnig ko. “Do you still believe in ghosts?” tanong ng boses lalaki na narinig ko. Masyadong malalim ang boses niya at mukhang nanggagaling talaga sa ilalim ng lupa ang tunog kaya gusto ko nang maniwala na isang ligaw na kaluluwa talaga itong nakakausap ko. “Well, it’s easier to say that I believe in ghosts than to think that I have gone crazy for hearing things like this,” sagot ko. Tumawa ang lalaki at ilang sandali lang ay bumukas na ang storage cabinet na nasa likuran ng mga bookshelves at may lumabas na isang lalaki. Sa tangkad niya ay hindi ko alam kung paano siyang nagkasya doon. Pero okay na ‘yan kesa naman isipin ko na multo talaga ang nakikipag usap sa akin. “Are you relieved now?” tanong niya habang naglalakad palapit sa akin. Sa itsura ng uniform niya ay mukhang katulad namin ni Jonas ay freshman din siya. Hindi ko nga lang alam kung anong course dahil pare-pareho ang itsura ng uniform ng mga freshmen regardless kung magkakaiba ang course na kinukuha. “Nope. Mas gusto ko na lang na multo ka. Masyado kang pangit para maging isang tao,” prangkang sagot ko. Sa totoo lang ay hindi naman talaga siya gwapo. Tipikal na pangit ang panlabas na itsura. Kung moreno si Jonas ay itong lalaking kaharap ko ay maitim ang kulay. Kulang na lang ay habulin ng plantsa dahil lukot-lukot ang uniform. Madumi rin ang sintas ng converse na suot kahit na mukhang branded naman. Tumawa na naman siya kaya lumitaw ang maputing ngipin. Kahit maitim siya ay mapupula ang mga labi. At least mukhang mabango naman ang hininga! Okay lang na pangit, basta mabango ang hininga ay pwede nang makipag-usap sa akin. “Maganda ka sana kaso pintasera ka,” prangkang sambit niya rin kaya agad na tumango ako. “Alam ko. Pero wala pa rin akong pakialam sa iisipin mo,” diretsong sambit ko at humalukipkip. Nakita kong bumaba ang tingin niya sa dibdib ko at tumaas ang kilay. “Big boobs, radiant and creamy skin, beautiful face…” sambit niya at saka muling umangat ang tingin sa akin. “Do you want to sleep with me?” diretsong sambit niya. Sa halip na ma-offend sa mga sinabi niya ay tumaas ang kilay ko. Kung nandito lang siguro ang bestfriend kong si Jonas na may pagka conservative ay siguradong namaga na ang mukha ng lalaking ‘to dahil sa suntok. Pero dahil ako lang ang nandito at hindi naman ako conservative ay ngumisi lang ako at saka mabagal na tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Who would want to sleep with a pangit, maitim and mukhang hindi naliligo like you?” dire-diretsong sambit ko at saka inirapan siya. Mukhang hindi naman siya pikunin kaya hindi man lang nainsulto sa mga sinabi ko. Sa halip ay may kung ano siyang dinukot sa bulsa at saka hinagis sa akin ang isang lighter. Mabuti na lang at magaling akong sumalo kaya hindi nahulog sa tiles ang mumurahin niyang lighter na mukhang mabilis sumabog kapag nahulog sa simento! “f**k you! Bobo ka ba? This could explode if I don’t catch it!” Kunot ang noo na saway ko pero ngumisi lang siya. “Mas bobo ka kung hindi mo nasalo,” painsultong sambit niya lang kaya naiiling na kinuha ko ang yosi na binaba ko kanina at saka muling sinindihan. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay titig na titig siya sa akin kaya tinaasan ko ng kilay matapos ibuga ang usok. “Anong tinitingin-tingin mo? Ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng naninigarilyo?” tanong ko. “Hindi ko alam na naninigarilyo ka pala, Cecil…” sambit niya habang nakatitig pa rin sa akin. “So, you know my name huh?” tanong ko pa rin kahit na hindi naman malabo na makilala niya ako dahil sikat ako sa buong freshmen. “Of course. Who wouldn’t recognize you, Cecil Cordova?” sagot niya at sinambit pa ang buong pangalan ko kaya natatawang humithit ulit ako sa yosi na hawak ko. I slowly blew out the smoke, forming a series of rings while meeting his intense gaze. Sa dami ng lalaki na nagpapansin sa akin at naging boyfriend ko ay isang tingin ko pa lang ay alam ko kung kailan may gusto sa akin ang isang lalaki. And this ugly guy in front of me is no different from those guys. “But you are just a nobody. I’m sorry, hindi kita kilala,” sagot ko at nagpatuloy sa paninigarilyo. Kapag inabutan ako ni Jonas dito na naninigarilyo ay siguradong isang linggo niya akong hindi kakausapin kaya isang linggo rin akong mawawalan ng ganang pumasok dito sa school dahil walang magpapa kopya sa akin ng assignments. “‘Wag mo nang alamin kung sino ako dahil masasaktan ka lang,” nakangising sambit niya. Tumaas ang kilay ko at mag-uusisa pa sana kung ano ang ibig niyang sabihin pero tumunog na ang cellphone ko dahil sa wakas ay nagreply na si Cam. Cambria: Nandito na si Jonas kaya sobrang tahimik ang klase. Mainit na naman kasi ang ulo. Me: Bakit? May nangyari ba dyan? Cambria: Hindi ko alam, Ces. Basta pagbalik niya dito sa room ay mukhang iritado na kaya pinatahimik ang buong klase. Me: Hayaan mo. Kulang lang ‘yan sa tulog. Kapag nakaidlip ‘yan mamaya ay okay na ulit. Balitaan mo ako kapag lumabas siya. Cambria: Lumabas na siya! Me: Seryoso, Cam? Cambria: No Kumunot ang noo ko nang mabasa ang huling reply ni Cam. Ilang sandali ko pang tinitigan ang text niya bago ako napamura at kumilos para itapon ang sigarilyo ko. Kabisadong kabisado ko kung paanong mag-text si Jonas. Napamura ako at mabilis na in-off ang phone ko at tinago sa ilalim ng bra. Hindi naman kakapain ni Jonas ang dibdib ko kaya hinding hindi niya mahahanap ang phone! “Do you have candy?” tanong ko sa lalaking nakatitig pa rin sa akin at mukhang wala yatang balak na ilayo ang tingin sa akin. “I have a minty fresh breath. Gusto mong halikan na lang kita para mawala ‘yang amoy sigarilyo sa bibig mo?” alok niya sa akin pero napangiwi ako at umiling. “No, thanks. But I don’t kiss ugly guys,” prangkang tanggi ko pero tumayo na siya at naglakad palapit sa akin. Sa halip na masindak ay taas noo na hinayaan ko siyang maglakad palapit sa akin. Nakangisi siya nang tuluyang nakalapit sa harapan ko. Totoong maputi ang mga ngipin niya at mapupula ang mga labi at mukhang mabango ang hininga. Matangos din pala ang ilong niya at hindi naman pala siya ganun kapangit sa malapitan. Tinukod niya ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko at mukhang balak na kornerin ako. “Anong gagawin mo? Pipilitin mo ba akong makipag halikan sayo?” diretsong tanong ko. Ngumisi siya ng nakakaloko at saka muling tumitig sa akin. “Hindi ko kayang gagawin ‘yon lalo na sa sarili kong ka–” Napatigil ang lalaki sa pagsasalita nang bumukas ang pinto nitong detention room. Sabay kaming napalingon doon at nakita si Jonas na salubong ang makakapal na kilay habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. “Hands off…” mariing utos niya kaya tinulak ko ang dibdib ng lalaki kaya napalayo siya ng bahagya sa akin. Naglakad si Jonas palapit sa amin pero ang mga mata niya ay nananatili sa lalaki sa harapan ko. “Jonas Mijares…” sambit niya sa buong pangalan ni Jonas pero si Jonas ay diretso lang ang lakad at saka hinawakan ang palapulsuhan ko at hinila palabas dito sa detention room. Kumunot ang noo ko dahil wala man lang siyang ginawa sa lalaking kasama ko doon. “Hoy, Jonas!” agad na tawag ko sa kanya pero tuloy-tuloy lang ang lakad niya habang hila-hila ang braso ko. “Bakit hindi mo man lang sinuntok ‘yon? Namimili ka na ba ng susuntukin–” Natigil ako sa pagsasalita nang tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Kunot ang noo na tinaas niya ang kamay ko at inamoy bago inilapit ang mukha sa akin at inamoy ulit ako! Namilog ang mga mata ko nang maisip kung bakit niya ako inaamoy. Oh, f**k! The cigarettes! Bago niya pa tuluyang mailapit ang mukha niya sa akin ay sinalubong ko na matunog na halik ang mga labi niya. Alam kong ayaw na ayaw niya na hinahalikan ko siya kaya siguradong iinit na ang ulo niya at saka mag wa-walk out! “The f**k, Cecil?!” iritadong mura niya at kagat ang ibabang labi na napahawak sa tenga bago tumalikod at mabilis na humakbang palayo sa akin! Ngiting-ngiti ako habang nakatingin sa likuran niya. “Whew! Muntik na ‘yon! Buti na lang ay mabilis akong nakaisip ng paraan para itaboy siya!” nakangising sambit ko pa at saka napahawak sa mga labi ko. “In fairness huh? Ang lambot ng lips!” natatawang sambit ko at saka nagsimulang maglakad pabalik sa classroom namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD