"Celina, hinahanap ka ni boss," tarantang saad ng isa sa mga kaopisina niya. "Huh? Bakit daw?" taka niyang tanong. "Hindi ko alam, pero sa tingin ko importante iyon," balisa pa din saad nito. Mabilis niyang tinungo ang opisina ng kanyang bagong manager, naabutan niya itong hindi magkandaugaga sa mga papel na pinipirmahan at pinagpapawisan. "Mi...Miss Manuel pi..pinapatawag ka sa taas ni boss," takot na takot na saad ng lalake. Napakunot na lang siya ng noo, alam niyang wala naman katuturan kung pupunta siya doon. "Pasensya na po, pakisabi na lang sa kanya madami akong ginagawa," walang kaabog-abog niyang sagot. "Mi...Miss Manuel please, if you don't go, I'm going to lose my job," pagmamakaawa nito. Napabuntong hininga na lang siya sa sinabi nito, hindi niya naman gustong maging dah

