Hindi pa rin makahupa si Celina sa panghihina matapos ng araw na iyon, pakiramdam niya ay parang nauupos na siyang kandila habang inaalala ang mga bagay na nagawa. Kaya naman pinilit na lang niyang abalahin ang sarili sa mga gawain. Ang ninang Isme niya lamang at bilang na mga kasama nito ang nag-aasikaso sa buong kabahayan, kaya naman minabuti naman sumakto ang dami ng trabaho upang bahagya siyang makalimot. Walang masyadong tao sa mansyon ng araw na iyon dahil lahat halos ay binigyan ng off matapos ng kaarawan ng senyor. “Lina, bakit parang matamlay ka nanaman?” pansin ng kanyang ninang. Pinilit naman ngumiti ni Celina dito. “Ayos lang po ako ninang.” Pero batid nito ang kakaibang kilos ng dalaga, kung kaya naman napapamaywang na lang ito pakabaling muli. “Pagkatapos niyan magpahin

