Mabilisan ngunit hindi naging madali ang panganganak ni Celina, inabot lamang ng ilang oras ang paglalabor niya nang makarating sila sa hospital dahil na rin sa pangyayari. Pero parang naglahong parang bula ang lahat ng kanyang agam-agam matapos makita ang munti niyang anghel. Hindi maipaliwanag na kasiyahan ang nadarama niya ng mga sandaling iyon, dahil dito ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat para lang protektahan at maalagaan ng maayos ang pinakamamahal niyang anak. "Ang cute, cute naman niya!" nanggigigil na saad ni Luke. "Baby, you're so adorable!" sabi ni Lucy habang nilalaro ang kamay ng munting supling. "Hi baby!" bati ni Celina sa anak habang pinagmamasdan ito. Buong ingat niya itong buhat-buhat sa kanyang tagiliran. Hindi nila mapigilang pagkaguluhan at ku

