Mag-iilang linggo na ang nakalipas, pero hindi maikakailang mainit na usap-usapan pa din ang tungkol sa insidenteng nangyari sa party ni Andrew, buti na lang nahihirapang matukoy ng mga estudyante kung sino iyon. Hindi niya din masyadong napapansin sina Luke nitong mga nakaraan, napakalaki talaga ng pagbabagong naidulot ng pangyayaring iyon sa kanya. Sa mansyon lang yata nina Vincent walang pagbabago, bumalik nanaman kasi sila sa dati na kung saan si Celina ang umiiwas sa binata. Ngunit ipinagsawalang bahala niya na lang ito at umaktong normal lang, kung makaka salubong mo si Celina ngayon hindi mo aakalaing may nangyaring masama sa kanya. Wala siyang ibang iniisip ngayon kung hindi ang darating na finals nila, buo na ang kanyang desisyon, aalis siya agad sa mansyon sa oras na makahana

