Nabulabog ang mahimbing na tulog ni Celina nang marinig ang ingay ng mga sasakyan na pumaparada sa garahe. Gagalaw na sana siya mula sa pagkakahiga ng maramdaman niyang may matigas at mabigat na nakapulupot sa kanyang baywan, napatigil siya bigla nang maramdaman ang mainit na katawan sa kanyang likuran. Tila tumigil ang t***k ng kanyang puso habang dahan-dahang binabalingan kung sino ang kanyang kasama at tila nahigit niya ang hininga nang makita ito. Naroon at nakahiga si Vincent himbing na himbing itong natutulog ng walang saplot, napakaamo ng mukha ng binata na wari’y moy isang natutulog na anghel. Huminga siya ng malalim habang pinagmamasdan ito, sayang nga lang at hindi niya masasabing maamo ang binata kapag gising. Doon niya lang napansin na hubo’t hubad din pala siya sa ilalim ng

