Hindi matutumbasan ang kasiyahan na nadadama ni Vincent ng mga panahong iyon, apat na araw na din siyang paulit-ulit na nagpupunta sa bahay ng mag ina niya. Iyon nga lang hindi niya maitatanggi na nahihirapan siyang pakitunguhan ang anak ni Luke, kahit na gustuhin niya man ay hindi niya matanggal ang pagkainis dito. Mabuti na lang talaga at medyo nagiging palaiwas na ito sa kanya, dala na din siguro ng pagsusuplado niya dito, pero alam niyang hindi maganda ang bagay na iyon lalo na at alam niyang mahihirapan siyang makuha si Celina kapag hindi kasama ang mga anak nito. "Daddy," papansin ng anak niya habang nakaupo sila sa sala. "Yes baby!" masaya niyang baling dito. "Tingnan mo daddy, may star ako, kasi naperfect ko iyong test namin," Ngiting-ngiting iniaangat ng bata ang kamay na m

