Chapter 65

2003 Words

Axel's POV Alas tres palang ng umaga ay gising na kami ng kapatid ko. Kagabi pa ay handa na ang aming mga dadalhin na gamit kasama na din ang mga documento namin dahil kailangan sa Taiwan Port. Nagising din maaga ang aming kasambahay na maghahanda ng aming agahan. "Sir, anong sasabihin namin kung may mga kamag-anak kayong tatawag o mga babae?" "Sabihin nalang ninyo po na isang buwan kaming mawawala." Sagot ko kahit isang linggo lang. "O sige po Sir. Mag packed parin ba ako ng merienda ninyo?" "Huwag na Ate." Ani ko na humigop sa aking kape. Alas tres emedya ay umalis na kami sa bahay. Deretso na kami sa port at pagdating namin ay kaming dalawa nalang ng kapatid ko ang hinihintay. "Anong oras kayo nagising?" Nagtatakang tanong ko kay William na kaedaran namin at wala pa ding asawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD