Con's POV Nang magising kami ay pananghalian na, napatingin ako sa pagkain namin. " Parang na miss ko ang pizza." "Sh*t up pati ako tuloy parang gusto kong kumain ng pizza." Ani ni Cal na kumuha ng nilagang kamote. "Kumain na tayo." Ani ni Leo na ang nilagang saging naman ang tinalupan. Napatingin ako kay Lala na sarap na sarap sa kinakain na nilagang kamote. Napangiti na ako at kumain na rin. Pagkatapos naming kumain ay napagpasyahan namin na alamin kung saan nila inilagay ang kanilang mga patibong. May isang ka tribo ang sumama sa amin at nagulat kami dahil sa tabi ng aming palikuran ay patibong pala, mabuti at hindi namin naapakan. Nilibot namin ang buong tribo at nakita namin ang mga palatandaan. May kweba din na pagtataguan kung halimbawang mahihirapan sila na kalabanin ang mg

