Hindi na ako nagulat ng malabasan si Flavio sa loob ng kwarto namin ni Ruru. Naglalaro sila ng 'peek a boo'. Hindi ko alam pero tawang-tawa ang anak ko sa distorted na itsura ng ama nito. "You've freshen up?" Sabi nito habang masama ang pagkakatingin sa tuwalyang nakapulupot sa buhok ko. "Obvious naman di ba? Galing akong banyo." Ewan ko ba pero naiirita ako sa pagmumukha niya. Una, di pa kami nag-uusap tungkol sa issue namin noon. Nakatira nga kami sa iisang bubong pero para naman kaming nakikipagpatintero sa isa't-isa lalo na kapag bini-bring-up ko ang usapan tungkol noon. Pangalawa, nabibwisit na ako kasi limang buwan na si Ruru pero ayaw niya pa rin pabinyagan. Malapit na ang pasko bes. Type kung ipila ang pangalan ng anak ko sa binyagang bayan. "Mommy's sarcastic Ruru..may PMS ya

