Chapter 4

1353 Words
Inaayos ko ang lulutuin kong saging para sa gagawin kong bananaque ng biglang lumabas mula sa kwarto si Tiyo Samuel. Nakasuot lamang ito ng boxers at walang pang-itaas. Tatlong buwan na rin itong nakatira sa amin kung kaya naman sa sofa na ako natutulog. Doon sa may sala kasama si Edna at ang mga ipis na nagpaparty tuwing gabi. "Gandang umaga, Joy.." Nakangising bati nito sa akin. Bahagya ko lamang siyang nginitian at ibinalik ang atensyon sa pagbabalat ng saging. Kailangan mag-doble kayod ngayon dahil hindi na halos nagtitinda si Liza. Panay nalang itong nakakapit kay Samuel. Naghalungkat ito ng pagkain sa mesa. Nagutom siguro ito sa buong magdamag nilang ungolan ni Liza. Halos hindi na ako nakatulog sa ungol at kalabog nilang dalawa. Kahit nga pasakan ko ang tenga ko ng bulak ay walang silbi. Honeymoon stage lang ang peg ng dalawa. Napaismid ako sa naiisip ko. "Wow! Mukhang masarap ang almusal natin ah.." Lumaki ang ngisi nito sa mukha ng makita ang pagkaing nakahain sa mesa. Kumuha ito ng isang lumpia sa plato at derechong isinubo iyon. Tinignan ko lamang ito at patay-malisyang nagpatuloy sa ginagawa. "s**t! Ang anghang naman nito!" Kumuha ito ng pitsel sa ref at tinungga iyon ng derecho. "Anong klaseng lumpia yang niluto mo Joy? Ang anghang.." "Dynamite ang tawag diyan..O di ba sumasabog sa anghang? Bagay na bagay yan sa mga bruskong katulad niyo Tiyo Samuel." Hindi lang kasi ito basta-basta dynamite. Siling labuyo ang ginamit ko kung kaya talagang maanghang ito. Naubusan kasi ako ng silang green kaya naman yung labuyo ang ginamit ko. Hindi ko tinanggalan ng buto at basta nalang niroll sa lumpia wrapper at binudburan pa ng chili pepper. Ginawa ko iyon para lang talaga kay Tiyo Samuel. Masyado kasi itong masiba pagdating sa pagkain. Buti sana kung nagbibigay ito ng pambili. "Oo nga..Masarap siya, Joy!" Kumain pa ito ng isa at agad din namang sinundan ng tunig. Namumula na ang mukha nito sa sobrang anghang. "Mas masarap yan kung isasawsaw sa toyo na may kalamansi.." Sabi ko rito habang sinusupil ang ngiti sa aking labi. Hindi ko alam kung bakit pero inaayunan ako ni Tiyo Samuel palagi kung kaya't nagtataka ako kung bakit mabigat pa din ang loob ko sa kanya. Alas-dyes na ng gabi pero ngayon palang aalis ng bahay si Liza. Dati quarter to nine umaalis na ito ng bahay. "Aalis na ako Labs, magtatrabaho muna ako at bago pa magparinig si Joy sa gastos natin dito sa bahay." Nakatingin lang ako kay Liza habang nakaakbay si Samuel rito. Ibang klase din talaga si Liza mag-dyodyowa na nga lang, wala pang matinong trabaho. Akala ko ba sabi niya dati sa akin ito ang magiging katuwang niya sa buhay. Anyare? "Joy, aalis na ako." Paalam nito sa akin. Good mood yata ang nanay ko ngayon? Sabagay simula ng maging dyowa niya si Samuel palagi na itong sweet. Palagi na rin akong kinakausap nito kaya kahit labag sa kalooban ko ay pumayag na ako sa love affair nilang dalawa. "Mag-iingat ka Liz.." Nagpatuloy ako sa panunuod ng telebisyon. "Nga pala, baka dumating si Edna mamayang madaling araw. Pagbuksan niyo at wala iyong dalang susi.." Nasa Cebu kasi ito kasama ang matandang mayamang boyfriend nito. "Kami na ang bahala dun Labs.." Narinig kong sagot ni Samuel kay Liza. "Ihh! Parang ayaw ko na tuloy magtinda.." Ngayon ko lang narealize na may pagka-malandi pala talaga ang Nanay ko. Buti nalang hindi ako nagmana sa kanya. "Labs naman..paano tayo makakapag-date niyan sa Linggo?" Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Samuel. Kapal ng face, anlakas ng loob mag-aya ng date wala naman palang perang pan-date. "Anong pinapanood mo Joy?" Tumabi sa akin si Tiyo Samuel sa sofa. Umusog ako ng kunti sa dulong bahagi ng sofa ng maramdamang masyadong nakadikit ang katawan nito sa katawan ko. Ayoko sanang mag-isip ng masama pero hindi ko talaga mapigilan. "Juan Happy Love Story.." Matipid kong sagot rito. "Ikaw Joy, hindi mo pa gustong magkaroon ng sarili mong love story?" Akala naman ni Samuel nato makukuha niya ako sa bedroom voice niya. Para namang hinihila ang itlog niya kung magsalita. "Tsaka nalang siguro..Hindi pa kasi ito ang tamang panahon.." "Pero bente-sais ka na di ba?" Tanong nito. Ano naman pakialam niya di ba? "Hindi naman ako nagmamadali..may limang taon pa ako bago mawala sa kalendaryo." Pabalang na ang pagsagot ko rito. Nakakainis na kasi ito. "Naku! Dapat nagsisimula ka ng hanapin ang the one mo." Kagya't pa itong tumawa sa sinabi nito. "Bakit ikaw? Hindi ka maghanap ng trabaho mo? Hindi naman forever may magpapakain sayo." Naiinis na tanong ko rito. Tumiim ang bagang nito. Humigpit naman ang hawak ko sa remote control. Masama ang tinging ipinupukol nito sa akin. Nagalit yata ito sa sinabi ko. Bakit totoo naman ang sinabi ko di ba? Mahigpit niya akong hinawakan sa braso. Napa-aray ako sa sakit na dulot niyon. "Joy! Buksan mo naman ang pinto!" Sigaw ni Edna mula sa labas. Nakahinga ako ng maluwag ng unti-unti akong binitawan ni Samuel ang braso ko at binuksan ang pintuan. "Haist! Nakakapagod ang byahe.." Ani Edna pagkapasok sa loob ng bahay. Panatag na akong makakatulog ngayon dahil may kasama na akp dito sa bahay. Simula ngayon ay hindi na ako magpapaiwan dito sa bahay kasama ang asawa-asawahan ni Liza. Hindi ko alam kong ano pa ang kaya nitong gawin sa akin. "Couz, may pasalubong ako sayo. Eto oh.." Inabot nito sa akin ang t-shirt at ang key chain galing Cebu. "Uy, Sammy huwag ka ng maiinggit diyan! Meron din akong pasalubong sayo.." Inabot niya rito ang isang plastic. "Ano to?" Inamoy niya pa ang plastic na ibibigay ni Edna rito. "Danggit yan! Eto parang ewan..Masarap yan kasing sarap ko." Malanding sabi ni Edna rito. "Thanks Edz..Sa kwarto na ako." Kumindat pa ito kay Edna at ginulo naman niya ang buhok. Nagising na naman ako dahil sa ingay na nanggagaling sa kwarto. Puro ungol na naman at kalabog ang naririnig ko. Hindi talaga nakatiis si Liza at umuwi pa talaga para lang mag-ano. Naku pag siya talaga nabuntis, magmumukha siyang lola. Tumingin ako sa wall clock, alas-dos palang! Pumihit ako paupo dahil magse-cr sana ako ng mapansin kong wala si Edna. Baka pumasok ito sa bar at hindi ko namalayan. Tumayo ako at pumunta ng cr ng mapansin kong nakabukas ang pinto ng kwarto. Mga walang delikadesa, sabi ng utak ko. Pinilit kong huwag tumingin sa loob ng kwarto habang dumadaan. Pabalik na ako ng sofa ng bigla akong matigilan ng mabunggo ko si Edna at galing ito sa kwarto. "Edna, anong ibig sabihin nito?" Hiniklas ko siya sa braso. "Nag-s*x kami ni Samuel, may problema ba dun?" Parang wala lang sa kanya na malaman ko iyon. "Niloloko niyo si Liza? May relasyon kayo?" "Hindi ba pwedeng horny lang kami pareho kaya kami nag-s*x?" Proud pa nitong sabi aa akin. Sinampal ko siya."Lumayas ka sa pamamahay namin!" "Ayoko! Pwede ba Joy pagod ako. Pinagod pa ako ni Samuel mg husto." Humiga na ito sa nakalatag na kutson sa lapag. "Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw ko rito. Hinila ko siya at pilit ibinangon sa pagkakahiga. "Ano na naman to Joy?" Sigaw ni Liza sa akin. Muli naabutan niya kami ni Edna. "Niloloko ka nila! May relasyon sila ni Samuel, Liza!" Hysterical kung sabi sa kanya. "Wala kaming relasyon Liza..Gusto lang talaga kaming palayasin niyang bastarda mo." Paliwanag ni Edna kay Liza. Umiiyak pa ito at mukhang kawawa sa itsura nito. "Labs..ang aga mo?" Lumabas si Samuel mula sa kwarto na pupungas-pungas. Ang gagaling nilang magkunwari. "Samuel, magsabi ka ng totoo. May relasyon ba kayo ni Edna?" Tanong ni Liza kay Samuel. "Huh?! Wala..ikaw ang mahal ko Labs..Saan mo nakuha ang ideyang yan?" Lumambot ang mukha ni Liza sa sinabi nito. "Naniniwala ka sa kanila, Liza?" Umiiyak kong tanong sa aking ina. Tumingin lang ito sa akin. "Mga walang hiya kayo! Lumayas kayo sa pamamahay ko! Layas!" Sigaw ko kina Edna at Samuel. Sinampal-sampal ko si Samuel at hinila ko palabas si Edna. Ngunit nabigla ako ng itulak ako ni Liza palabas ng bahay. "Ikaw ang lumayas sa pamamahay ko!" Sigaw nito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD