After Six Months MARAHAN kong iminulat ang mga mata ko at agad na napangiti. Hinaplos ko ang tiyan ko na nakaumbok na at nagpasyang bumangon na mula sa higaan na gawa lang sa kawayan at may manipis na kutson. Anim na buwan na simula noong umalis ako ng Manila at pumunta dito sa Tarlac. Tama, dito ako sa bahay nina Tatay Ben at Nanay Lorna nakituloy. Bago ako lumuwas dito ay nagkita kami ni Thunder at ni Karma, gusto ni Thunder na magpaliwanag ako kay Karma tungkol sa paghalik ko sa kanya sa Pangasinan na ginawa ko naman. Walang may alam kung saan ako pumunta. As soon as I got here, I called Tatay Ben to tell him that I’m in Tarlac. I also asked him not to tell anyone about my whereabouts, which he willingly did. Ang sabi niya ay pambawi na rin daw sa lahat ng naitulong ko sa kanila. N

