NAKAUPO ako sa kama at nakatingin kay Youan na ngayon ay nakatayo sa harapan ko. Ang kanyang mga kamay ay nasa bewang niya at matamang nakatitig sa akin. Halos ilang minuto na rin kaming tahimik lang. “Are you going to say something or what?” tanong ko kapagkuwan. Bumuntong hininga naman siya at naglakad papalapit sa akin, nagulat ako nang lumuhod siya sa harap ko at hinawakan niya ang mga kamay ko. Gusto kong bawiin ang mga kamay ko kasi pakiramdam ko ay dinadala ako ng hawak niya sa ibang dimensiyon pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay nag-ugat ako sa kinauupuan ko. Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko at agad na nag-iwas ng tingin. “I miss you…” kinilabutan na naman ako sa mababa niyang boses, “so much, baby. So damn much.” Pagkatapos niyang idagdag iyon ay binawa ko ang mga kama

