Tulad ng madalas kong nakagawian. Kahit pagod at puyat dahil sa anniversary nina tyang,ay sinikap kong makapasok ng maaga.Agad akong bumangon ng magising mula sa alarm clock ng aking cellphone. Dumiretso ng kusina. Nag kape upang magising ang aking diwa na halos antok na antok pa. Minadali kong maubos ang kape. Pag katapos ay agad nang naligo. Di na ako nag almusal pa. Wala pa akong gana. Pag dating sa kanto ay agad din naman akong nakasakay papuntang opisina.Maaga pa kaya wala pang traffic. Habang nasa byahe ng tumigil ang jeep na aking sinasakyan sa tapat ng isang ospital,dahil sa isang pasahero.Bigla akong napakunot ng noo ng makita ang isang pamilyar na sasakyan roon.At napa tingin sa plate number noon. Napalunok ako ng masigurado ko kung kanino iyon.Anong ginagawa nya sa ospital

